Advertisers
Dumulog sa Palasyo ng Malacañan si Ka RJ Javellana, ang pangkalahatang kalihim ng Luntiang Pangarap (Green Dream) at pangulo ng United Filipino Consumers and Commuters (UFCC) upang ipabatid ang pakikiisa at pagsuporta sa mga indigenous peoples at mamamayan ng lugar na apektado ukol sa malalang pag-abuso ng negosyong quarry sa Labangan River, Zamboanga del Sur. Dagdag pa ni Javelleana, ito ay conflict of interes sa bahagi ni Gov. Victor J. Yu dahil ang kanilang pamilya ang may kaugnayan sa negosyo. Hiniling din ni Javellana sa kanyang sulat kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na magsagawa at magbuo ng independent body para sa masusi at patas na imbestigasyon.