Advertisers

Advertisers

Lending company collector todas sa pananambang

0 2

Advertisers

Patay on the spot ang isang lending company collector sa pananambang sa Purok Mudia, Spring, sa Barangay Labangal sa General Santos City noong Huwebes.

Sa ulat ng hepe ng General Santos City Police Station 2 na si Major Carl Jayson Baynosa, sakay ng kanyang motorsiklo ang biktimang si Sarepin Butocan Pina, 45-anyos ng pagbabarilin ng dalawang lalaki sa isang bahagi ng kalye sa naturang barangay kung saan ito naninirahan.

Agad na tumakas ang mga salarin sakay ng isang kulay yellow na scooter na walang plaka.



Wala pang linaw sa mga imbestigador ng General Santos City Police Station 2 kung sino ang dalawang sangkot sa krimen at kung ano ang kanilang motibo sa pagpatay kay Pina.