Advertisers
Ninakawan ang isang computer shop at natangay ang halos isang milyong halaga ng mga gadget sa Barangay Centro 06, Tuguegarao City, Cagayan.
Ayon sa Tuguegarao City Police Station, nasa P1,081, 675 ang halga ng gadget na ninakaw kung saan kinabibilangan ito ng 15 units ng iphone, 48 android phones, ipad at P76, 516 cash.
Una rito, napansin umano ng incoming security guard ang nasirang padlock ng kanilang roll-up door dahilan upang i-report niya ito sa PNP na agad namang nirespondehan ng kapulisan katuwang ang City Satellite Forensic Office.
Sa isinagawang pagsisiyasat nakita ang mga basag na glass table kung saan naka-display ang mga nanakaw na item.
Nakita rin sa CCTV na isa sa mga kawatan, nakasuot ng sombrero, itim na damit at jacket na may marking security habang mayroon pa silang dalawang kasamahan na nagsilbing look-out.
Isang pulang SUV na lumabas sa Barangay Buntun ang ginamit ng mga kawatan sa pagtakas .
Sa ngayon, nagpapatuloy ang isinasagawang koordinasyon ng PNP sa LTO at HPG upang matukoy ang pagkakakilanlan ng nagmamay-ari ng sasakyan.