Advertisers

Advertisers

“Bisitahin ang ating health centers” – Mayor Honey

0 8

Advertisers

“PLEASE visit our health centers.”

Ito ang panawagan ni na ginawa ni Mayor Honey Lacuna sa lahat ng residente ng Maynila na nangangailangan ng primary health care, dahil aniya ang mga serbisyong ito ay libre.

Ang health centers, ayon kay Lacuna ay naririto upang magbigay ng free consultation, check-ups, mga gamot at referral sa mga city-run hospitals kung kinakailangan base na rin sa check-up na ginawa.



Mula sa ulat ni Manila Health Department chief Dr. Arnold ‘Poks’ Pangan, sinabi ni Lacuna na ang city’s 44 health centers ay nag-aalok ng mga serbisyo tulad ng free laboratory tests at electrocardiogram o ECG.

Ang mga serbisyong ito ayon sa kanya ay mahal kung gagawin sa mga private hospitals, tulad ng ultrasound, na inaalok din ng walang bayad sa mga buntis sa lungsod.

Iginiit ng alkalde na kailangan ang checkups para malaman kung ano ang sakit sa maagang estado pa lamang. Ito ay upang maiwasan ang hospitalization na mas lalong magastos at maaring huli na.

Samantala hinikayat ni Pangan ang mga residente subukan ang city’s new patient health center online appointment system na ayon sa kanya ay alinsunod sa Universal Health Care Act at isa sa eight-point agenda ni Health Secretary Ted Herbosa.

Ang digitalization o elecornic medical recording ay ginagamit ngayon para mapabilis ang serbisyo ng health centers na nakakalat sa lungsod ng Maynila, ayon kay Pangan.



Sa kabila nito, tiniyak naman ni Pangan sa mga hindi makapag- online appointment system dahil sa kawalan ng cellphone, load o internet, ang health centers ay patuloy na tumatanggap ng walk-in patients.

“Ke naka-appointment o walk-in, malugod po kayong tatanggapon sa ating health centers. Bumista kayo para maramdaman ninyo ang kalinga at mabigyan kayo ng libreng serbisyo,” sabi Pangan. (ANDI GARCIA)