Advertisers
Patay ang limang miyembro ng New People’s Army (NPA) at dalawang sundalo ang sugatan sa serye ng engkwentro sa Pinamalayan, Oriental Mindoro.
Ayon sa Philippine Army nitong Sabado, Nobyembre 25, nagsasagawa ng combat operations ang mga tropa ng 203rd Infantry Brigade sa Sitio Tugas sa Barangay Sabang nang makaharap ang 15 miyembro ng NPA.
Nagbakbakan sa loob ng 20 minuto ang mga sundalo at mga rebelde na nagresulta sa pagkasawi ng tatlong NPA members.
Ilang sandali lamang matapos ang unang engkwentro, nagkaroon naman ng 10 minutong engkwentro sa kaparehong lugar na nagdulot naman ng pagkasawi ng isang NPA member at pagkasugat ng dalawang sundalo.
Samantala, nangyari naman ang ikatlong engkwentro na nag-iwan din ng isang nasawi sa hanay ng NPA.
Narekober ng mga sundalo ang siyam na high-powered firearms matapos ang engkwentro.