Advertisers
WALA umano plano si Inday Siba na tumakbo sa 2028. May plano o wala, tumakbo man o hindi, pumapel o hindi ang kanyang ama na baliw, walang panalo si Inday Siba. Nabola lang ni Gongdi ang mga botanteng Pinoy kaya nanalo noong 2016.
Hindi na mauulit ang pambobola sa 2028. Hindi na magpaapekto sa mga taga- Inferior Davao City ang mga Filipino. Hindi sila maka porma at papopormahin ng iba’t ibang pwersa pulitikal. Sa kangkungan ng kasaysayan sila pupulutin.
Masyadong malaki ang perwisyo ng isyu ng confidential fund sa political career ni Inday Siba. Sa ganang amin, masyadong tinabangan ang mga Filipino kay Inday Siba. Hindi niya ipinaliwanag ng ganap ang usapin sa publiko. Hindi maipagkakaila na kundi ninakaw ang pondo, inihanda niya ito sa susunod na halalan.
Ngayon pa lang, natapos na Inday Siba ang kanyang political career. Narating niya ang tugatog ng tagumpay – OVP. Bilang bise presidente, kailangan galingan niya ang pagiging spare tire sa panguluhan. Hindi namin nakikita na may bago siyang ideya upang bigyan ang buhay ang konsepto ng “working vice president.”
Hindi niya alam ang gagawin. Hindi siya kapareho ni Leni Robredo na sa gitna ng panlilibak ni Gongdi, panggigipit, at iba pang kalokohan at kagaguhan, nagawa niya bigyan ng buhay ang pagiging “working vice president.” Marami siyang nagawa. Hindi matutularan ni Inday Siba ang ginawa ni Leni.
Tuyo ang utak ni Inday Siba. Hindi siya magaling. Wala siyang iaambag sa pulitika sa bansa. Hindi makatas sa ideya ang kanyang pag-iisip.
***
MAY mungkahi si Sherwin Gatchalian na maglagay ng isang line item para sa mga mental health programs sa DepEd upang tugunan umano ang “alarming prevalence” of panunuwag (bullying) sa mga paaralan at lumalaking bilang ng mga mag-aaral na nagtangkang magpakamatay at totoong nagpatiwakal. Hindi kami tutol sa konsepto, ngunit isang bagay lang: walang iniharap na datos si Sherwin. Aabot sa P160-M ang nais ni Sherwin.
Mainam ang layunin at wala kaming nakikitang dahilan upang tutulan. Ngunit isang bagay lang ang kailangan ang linawin: kapag ang naunang itinakdang confidential fund na gagamitin sa naisip niyang line item, kalimutan niya ito. Huwag ng panggigilan ang confidential fund. Huwag ng humit upang pagbigyan ang naunsiyaming pangarap ni Inday Siba.
Kung mapupunta lang sa mga ahensiya ng Deped ang confidential fund at si Inday Siba, isang malaking kalokohan at kagaguhan ito. Huwag ka ng magsipsip Sherwin. Huwag ka ng mamangka sa dalawang ilog. Napagkasunduan na ibigay ang confidential fund sa mga ahensya ng gobyerno na ang pangunahing trabaho ay harapin ang national security issues tungkol sa ginagawang pangangamkam ng China sa ating teritoryo, pagnanakaw sa ating yamang dagat, at paninira sa ating kaligiran.
Huwag mo ng guluhin ang isyu, Sherwin. Alam na sambayanan na gusto ni Inday Siba na sa Deped pa rin mapunta ang malaking bahagi ng P150-M confidential fund na naunang itinakda sa Deped. Nais na Inday Siba na sa kanya pa rin manatili ang P500-M na ipinanukala sa OVP. Tumanggi ang Kamara de Representante na mapunta ang mga iyan sa ahensyang hawak ni Inday Siba.
Maaaring paghandaan niya ang pagpapaliwanag sa P125-M na ibinigay sa kanya ng Office of the President noong 2022 at inubos sa lood ng 11 araw. Doon na lang ang focus niya at hindi ang P625-M na iminungkahi ngunit kinansela na ibigay sa kanya ngayong taon na ito.
***
MGA PILING SALITA: “Kung si Apolinario Mabini na lumpo, naging Prime Minister pa ng Filipinas…Eto pa kayang si Inday Lustay na nakaka pag Mountain hike pa at na itakbo pa ang 125M.. Tatakbo yan..tatabuin nyan ang kaban ng bayan.” – Emong Canton, netizen
“The [Hamas] terrorists murder Israeli children, then run and hide behind Palestinian children.” – British Prime Minister Rishi Sunak
“Even if she’s a billionaire, I would consider Cynthia Villar poor. She has no sense of compassion, nor an understanding for humanity. She doesn’t know love, nor believe in kindness. If at all she cares, it’s profit that motivates her, and it’s greed that prints money on her face.” – Jed Q Cepe, netizen, kritiko
***
MAY isinulat ako na munting sanaysay tungkol sa pagsusulat noong 2017. Ibinabahagi ko ito:
The writing profession, including the so-called “literature of haste,” or journalism, is probably the most unique career to pursue on this planet. It has no retirement unlike most professions. So long as a writer is not disabled and can pound the keyboard, he can practise the profession.
I saw writers, mostly journalists, who are still around despite their advancing age. In fact, I know of certain octogenarians, who have remained productive by sheer writing. A number of colleagues were writing even on the day they had died.
It may sound strange but many writers prove to be sharp, incisive, and insightful when they have become older. The wisdom of experience is clearly etched on their works. This is the reason why writers and journalists become authors of books and other think articles. Their accumulated knowledge born out of experience and many encounters undergoes a transformation that could reflect the wisdom of a certain age.
But this is something that could only happen to genuine writers. Definitely, this won’t happen to pro-government bloggers and other writers, whose earned expertise is in the manufacture and dissemination of fake news.
Writers have a single commodity: truth. Genuine writers don’t peddle lies. Those who resort to the mangling of truth are exposed and ostracized. Soon, they become pariahs. They don’t grow. They hardly create a dent in the marketplace of ideas. They are not considered intellectuals. They are pretenders, who, sooner or later, has nowhere to go.
Genuine writers always have their place in the intellectual community. They are always remembered for many ages. They are always judged by the quality of their works. They always have something for the next generations to remember.
***
LUNES ng inilunsad ng kilusang ATIN ITO! na ang pangunahin gawain ay kontrahin ang pangangamkam ng China sa ating teritoryo sa West Philippine Sea, WPS Musical Event at civilian supply mission upang tulungan ang mga sundalong nakahimpil sa Ayungin Shoal sa gitna ng karagatan ng West Philippine Sea.