Advertisers
Ni BETH GELENA
DEBUT movie ni LA Santos ang movie na In His Mother’s Eyes directed by FM Reyes.
Ayon sa producer na si Flor Santos, hindi siya nagdalawang isip kung sino ang inang gaganap sa movie.
Si Maricel Soriano raw agad ang sumagi sa kanyang isip at wala ng iba pa.
Dasal daw siya nang dasal na sana ay tanggapin ng Diamond Star ang offer.
“Nabunutan ako ng tinik sa dibdib nang umu-oo si Ms. Maricel,” wika ng produ”
Nagsalita na rin ang producer hinggil sa hindi napili ang pelikula nila para sa Metro Manila Film Festival.
“Talaga pong target namin ay makasali sa MMFF. Ang laki po nang expectation namin na makakapasok kami. Kaya lang sadyang ganun hindi kami pinalad.”
Pag-amin pa niya, “sobrang sakit sa loob ko ang nangyari. Nasaktan po talaga ako dahil ang ganda-ganda ng pelikula namin. Direk FMR sorry po,” ang naiiyak na sabi nito.
Natanong naman si Marya kung ano ang masasabi niya sa akting ni LA bilang anak niya sa In His Mother’s Eyes.
“Bilang isang baguhang actor, LA is a best actor regarding sa mga young talents today. Napakagaling niya.”
Flattered naman si LA sa papuri ni Marya.
Aba, coming from isa sa pinakamahuhusay na aktres ng bansa, talagang mapapalundag ka sa tuwa.
Ang laki ng pasasalamat ni LA sa kanyang Nanay Marya.
Ang In His Mother’s Eyes ay ipalalabas na sa November 29 sa lahat ng theaters nationwide.
Ang iba pang casts ng movie ay sina Roderick Paulate , Vivoree, Ogie Diaz Ruby Ruby, atbp.
***
LUMALALIM na ang hidwaan sa pagitan nina Kathryn Bernardo at Andrea Brillantes
Marami ang nakapansin na hindi na umano naka-follow si Kathryn kay Andrea sa Instagram.
Pero naka-follow pa rin daw si Andrea kay Kathryn.
Hindi lang malinaw kung matagal nang hindi naka-follow si Kathryn kay Bythe.
Pero napansin ng netizens na sa gitna ng pagkakadawit ng pangalan ni Andrea sa intriga na hiwalay na umano sina Kathryn at Daniel Padilla, may balitang magkasama sina KathNiel kamakailan sa isang event.
Naging palaisipan sa mga netizen kung may kinalaman ba ito sa lumabas na espekulasyong break na sina Kathryn at Daniel.
Sa gitna ng lumabas na mga bali-balita, walang nilalabas na pahayag ang kampo nina Daniel o maging kay Kathryn.
***
EVENING GOWN NI MICHELLE DEE TRIBUTE SA INA NA DATING BEAUTY QUEEN
TRIBUTE para sa inang si Melanie Marquez ang gown ni Michelle Dee sa Miss Universe prelims.
Michelle Dee was a huge show-stopper during the evening gown portion of the Miss Universe 2023.
Isang emerald green gown ang suot ni Michelle designed by renowned Filipino fashion designer Mark Bumgarner.
Ibinahagi ni Mark sa social media ang behind sa ginawa niyang gown.
Aniya, tribute raw iyun ni Michelle para sa inang dating beauty queen, si former Miss International Melanie Marquez.
“This evening gown is encrusted with over 30,000 swarovski crystals and different shades of emerald green and black. I wanted it to shimmer just like a skin of a green viper; a symbol of wisdom, power, and transformation.”