Advertisers
Ni PETER S. LEDESMA
SA imbitasyon ng aking pretty celebrity lawyer friend and Tape Inc. legal counsel and spokesperson Atty. Maggie Abraham-Garduque, na-cover ko last Friday sa APT Studio ang contract signing ng B-POP IDOL sa Tape Artist Talent Management Agency. Pinamamahalaan ito ng Vice Pres for Talent Management and Administration na si Ms. Soraya Jalosjos, na infairness, artistahin ang dating.
Katuwang niya rito ang pinsan na si Ms. Phoi Jalosjos na head and talent manager at Mr. Nixon Serrano ll. At ang newest all-female group na ito na pwedeng sumunod sa yapak o lumebel sa mga sikat na K-Pop female group ay sina Audrey, Barbie, Jade, Joana, Swaggy at Ysabel. And base sa kwento ng B-Pop Idol ay kapareho rin sila ng mga kapwa nila kabataan na gustong makilala sa showbiz. Yung dalawa sa kanila ay naging back-up dancer ni Bianca Umali sa All Out Sundays.
May members din ng group na naging mga extra sa teleserye at movies. Breadwinner din ang ilan sa kanila. Kaya malaki ang pasasalamat ng B-Pop Idol at binigyan sila ng malaking break ng Eat Bulaga nang manalo sila ritong Grand Champion sa B-Pop Idol. At ngayon ay ganap na silang contract artist ng EB para sa talent management ng longest running noontime variety show.
Pumirma sila ng 5 years exclusive contract at ayon kay Ma’am Soraya at brother na si President at CEO ng Tape Inc. at Cong. Romeo “Jonjon” Jalosjos ay mapapanood na ang B-Pop Idol sa Eat Bulaga bilang hosts at performers. At sila ang bagong ibi-build up na Sexbomb Dancers. Alam niyo naman kung gaano kalayo ang narating noon ng Sexbomb.
At wow, marami pang magagandang plano ang Eat Bulaga para sa nasabing female group tulad ng bibigyan nila ito ng recording para lalong makilala ng publiko. At open din sina Ma’am Soraya kapag may offer na teleserye at pelikula sa mga talent nilang ito kasama na ang product endorsement.
At si Mr. Nixon Serrano na raw ang bahala rito, “Ilalatag din natin ang iba’t ibang endorsements and we’ll make sure to maximize their growth through different platforms. Narito naman ang pahayag ni Cong. Romeo Jalosjos para sa B-Pop Idol, “Kami ay nagagalak at sa wakas bahagi na ng lumalaking pamilya ng Eat Bulaga ang ating B-Pop Idol in the next few days makikita niyo na ang full immersion nila sa mga host. Kami rin ay natutuwa dahil bawat isa sa kanila ay may unique character at personality na makakatulong sa programa.
“This contract signing is another milestone for TAPE and Eat Bulaga, as for the longest time they do not have a female group,” say pa ng gwapong congressman.
Nang amin namang tanungin si Atty. Maggie tungkol sa kontratang pinirmahan ng B-Pop Idol ay ito ang kanyang naging tugon sa amin, “This contract signing is another milestone for TAPE and EAT BULAGA as the longest time they do not have a female group. This 5-year contract is intended to protect both parties and would serve as to express and ensure our committment to our B-POP IDOL.” Sambit pa ni Pretty Atty. Maggie sa amin.
At para lalo pang humusay ang B-Pop girls ay sasailalim sila sa matagalang training kay Dasuri Choi na host din ng Eat Bulaga. Di ba, sa Korea inaabot ng one year ang training sa mga K-Pop Group na mga sikat na lahat ngayon. By the way, present sa nasabing contract signing sina Cong. Romeo Jalosjos, Ma’am Soraya Jalosjos, Ms. Phoi Jalosjos, Mr. Nixon Serrano ll at ang aming mabait at ma-PR na friendship na si Atty. Maggie.
At syempre pa ang aking mga coleagues sa entertainment press at si Kuya Lhar Santiago ng 24 ORAS sa GMA-7. B-POP IDOL, ang bago niyong mamahalin at hahangaan. Abangan din ang susunod pang mga talent ng TAPE ARTIST TALENT MANAGEMENT AGENCY.