Advertisers
IPATUTUPAD na ngayong araw ang mas mabigat na multa para sa mga dadaan ng EDSA Bus Lane.
Ayon sa MMDA, para ito sa kaligtasan ng mga motorista at hindi rin maabala ang mga sumasakay ng bus.
Mula P1,000 ay magiging P5,000 na ang multa para sa first offense; P10,000 at isang buwang suspension ng lisensiya, at sasailalim sa seminar para sa second offense; P20,000 at isang taong suspension ng lisensiya para sa 3rd offense; habang P30,000 at tuluyang pagkansela naman ng lisensiya para sa 4th offense.