Advertisers
MAY 100,000 katao ang dumagsa at nanood ng Kyusiklaban Distrito Uno Music Festival 2023 na ginanap sa Quezon City Hall Memorial Circle nitong nakalipas na Sabado, Nov. 11.
Handog ito ni Cong. Arjo Atayde na nagdiwang ng kanyang kaarawan last Nov. 5. Aniya, taun-taon daw ay gaganapin na nito ang nasabing pestibal na kinatampukan ng naging hosts na Beks Squad at ng mga sikat na banda ng bansa gaya ng Parokya ni Edgar, Rivermaya, Mayonnaise, at Flow G.
Hindi magkamayaw ang malaking crowd sa naghuhusayang performers na lalong kina-enjoy ng mga residente ng QC.
Dumalo rin sa okasyon si QC Mayor Joy Belmonte at ilang halal na serbisyo-publiko ng lungsod.
Naging punong abala sa music fest ang actress na si Sylvia Sanchez kasama ang kanyang pamilya at ilang kaibigan.
Siyempre, naroon din ang misis ni Arjo na TV host-actress na si Maine Mendoza na buong pusong nakasuporta sa asawang pulitiko.
Masaya si Cong. Arjo sa tagumpay ng music fest at nagpapasalamat siya na natapos ang okasyon nang tahimik at maayos.