Advertisers
Ni BETH GELENA
PASABOG ang mga photoshoot ni Kathryn Bernardo para sa Preview magazine.
Trending sa social media ang mga sexy photos ng aktres.
Ang caption ng Preview magz na nasa Instagram ng aktres: ” In the wake of a much-lauded performance in “A Very Good Girl,” @bernardokath reflects back on her 20-year acting career, and why she was never afraid to experiment–even in the very beginning.”
Anila pa: “Twenty years after her start in the industry, Kathryn Bernardo is letting go of expectations, unafraid to experiment in uncharted territory—whether as an artist, or the woman behind the screen.”
Ang mga kapwa celebrities ni Kath ay hangang-hanga sa sexy shots niya.
AC Bonifacio” “wow”
@sarahlahbati “Love ”
missizacalzado: ” Love this!”
Karamihan ng celebrities ay fire emojis ang reaction.
Komento naman ng netizens: “Nakakagulat. Pero ang ganda lalo ng last photo”
“Last photo reminds me of Malaysian model Danielle Graham in DJ Shadow’s Six Days music video (directed by Wong Kar Wai).”
“1st, 2nd, 3rd photos remind me of Faye Wong – actress in Chungking Express (another Wong Kar Wai movie).”
“Mas sexy and healthy looking yung naka blazer sya ay naku Kat fail ‘to”
“Last photo – reminds me of Alizée – J’en ai marre (I’m fed up) music video”
“nagiging daring na si Kat sa mga outfits nya. hmmm sexy pero I am not a fan of showing too much skin. I like yung pag ang babae is wearing something na hindi revealing pero oozing with sex appeal pa rin. Parang mas nakaka-excite compared sa andyan na, kita na lahat, so what is there to expect pa. pero ako lang yun… her body her rules.”
“What’s this??? Re-branding? Tapos naka budol ng mga rabid fans thru LT, biglang nag re-branding ng image. Weird!” Komento naman ng isang netizen, “Dislike. Mukang p*rnstar na natipus.”
“Dislike. Trying hard.”
“She looks like a lesbian in the first 3 photos. Is that the look they’re after? She’s trying so hard to do the mature sexy look but di talaga bagay sa kanya ang ganoon.”
***
JAKE EXCITED MAKATRABAHO SI LOVI
HINDI lang kay Chie Filomeno nakatutok ang atensyon ni Jake Cuenca kundi busy rin sa mga proyektong ginagawa.
Imagine, may movie siyang gagawin with Lovi Poe kasama ang isang bagets actor na hindi pa raw pwedeng banggitin Under Regal Entertainment ang gagawin nilang pelikula.
Tuloy din ang Pinoy adaptation ng Korean drama niya with Kim Chiu, ang What’s Wrong With Secretary Kim.
Inalis daw sa original cast si Jake Ejercito at pinalitan ni Paulo Avelino. Klinaro namin kung may katotohanang si Filomeno na ang kapalit sa puso ng aktor, aniya: “sabi…sabi nila.” “Wala pa bang plano mag-settledown ang actor?
Wika ng aming kausap, “wala pa… matatagalan pa ‘yan… nag-eenjoy pa siya ngayon ng husto sa life niya.”
***
JAMES AT ISSA NAG-UNFOLLOW NA SA ISA’T ISA SA IG
NAG-unfollow na umano sa Instagram ang celebrity couple na sina James Reid at Issa Pressman samantalang ang name umano ni Nadine Lustre ay nanatiling nasa listahan ng Fil-Am actor/singer.
Espekulasyon ng netizens ay break na umano ang dalawa.
Mukhang nagkakaroon umano ng problema sa kanilang relasyon ang celeb couple.
Hindi na rin daw makita ng netizens ang mga screenshot nila kung saan hindi na makikita ang pangalan nina James at Issa sa listahan ng mga naka-follow sa dalawa.
Pero kung titingnan daw pareho ang Instagram post nila ay hindi pa naman sila nagbubura ng mga larawang magkasama.
Kaya ang tanong ng netizens, “break na ba sila?” Ang sister naman daw ni Issa na si Yassi Pressman ay nananatiling nasa listahan ni James.