Advertisers
INILUKLOK ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. si Atty. Alexander Tantoco-Lopez bilang bagong pinuno ng Philippine Reclamation Authority (PRA).
Batay sa appointment paper na nilagdaan ni PBBM, binanggit na epektibo ang termino ni Lopez mula pa Hulyo 1,2023 at matatapos ito sa Hunyo 30, 2024.
Sa hiwalay namang appointment letter na ipinadala sa PRA at may petsang Nobyembre 7, 2023, ipinabatid ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa BOD na aprubado narin ni Pangulong Marcos ang nominasyon ni Lopez bilang chairman ng ahensya.
Kasabay nito, inatasan din ang PRA na bigyan ng kopya ng dokumento si Lopez at ipagbigay-alam dito ang kanyang nominasyon bilang pinuno ng ahensya sa loob ng pitong araw.
Si Lopez ay anak ng dating yumaong alkalde ng Maynila na si Mel Lopez. (Gilbert Perdez)