Advertisers
Ni JOVI LLOZA
KUMUDA at pumutak na nga si Daniel Padilla sa isyung hiwalay na raw sila ni Kathryn Bernardo.
Dahil daw sa third party ayon sa source ni Ogie Diaz na hindi naman kinumpirma ng talent manager na ayon sa kanyang source.
Sa kabila nun ay pinabulaanan ni Daniel na hiwalay na sila ng kanyang long time gf na si Kathryn.
Lalo pang nagpakulo ng dugo sa KathNiel fans ang pagsabi sa vlog ng manager na ang lihim na pakikipagtagpo raw ni Daniel kay Andrea Brillantes ang rason ng break-up.
Pinalagan naman ng KathNiel ang kuda ni Ogie.
Kaya inakusahan itong fake peddler ng netizens na halatang fans ng KathNiel.
Dapat daw di nito pinagsasabong ang nasa iisang kuwadra or home network na kanya ring pinakikinabangan.
Sa kabila na inihayag ni Ogie na di pa kumpirmado ang nasagap nito sa source ay pinaulanan pa rin ito ng batikos.
***
Ricci handang ipaglaba ng syotang si Leren Mae
TILL now ay hindi pa rin mamamatay matay ang isyu regarding sa di paglalaba ng damit ni Ricci Rivero na ibinunyag ni Andrea Brillantes noon.
Sa repost ng bro ni Ricci na si Prince Rivero sa socmed, makikita na naglalaba si Ricci kaya napakomento si Leren Mae Bautista.
Ngayong sila na nga raw ay may maglalaba na kay Ricci at ang beauty queen politician na raw yun.
Sa latest laro sa PBA ni Ricci kontra NLEX ay nandoon si Leren Mae at nagsisigaw or nagtsi-cheer kasama ang pamilya ng bf.
Suwerte yata ang Leren at nanalo ang koponan ni Ricci.
Nagbigay pa ito ng mensahe na deserving mahalin ang bf.
Oh laban ka Andrea Brillantes?
Well, well, well… ‘Yun na!