Advertisers

Advertisers

38 Chinese vessels na-monitor sa paligid ng Ayungin Shoal sa resupply mission – PCG

0 7

Advertisers

INIHAYAG ng Philippine Coast Guard (PCG) na nasa 38 Chinese vessels ang kanilang naitala sa paligid ng Ayungin Shoal sa pinakahuling resupply mission nito sa BRP Sierra Madre.

Ayon kay Philippine Coast Guard spokesperson on the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela na ang kabuuang bilang ng mga sasakyang pandagat ng China na kanilang na-detect sa isinagawang supply operation ay 16 na maritime militia vessels na physically monitored, 12 Chinese militia vessels, limang China Coast Guard vessels, at limang People’s Liberation Army [vessels].

Sinabi pa ni Tarriela na hindi lahat ng 38 Chinese vessels ay sangkot sa blocking operations laban sa PCG vessels.



Base sa presentasyon na kanilang ibinigay, mayroon lamang aniyang anim na Chinese Maritime Militia Vessels ang aktibong lumahok sa blocking operation at limang CCG vessels.

Ito aniya ang pinakamataas na bilang ng mga sasakyang pandagat ng China na nakita sa loob ng Ayungin Shoal, na nasa loob ng 200-kilometer exclusive economic zone ng Pilipinas batay sa 2016 Arbitral Award at United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Gayunpaman, matagumpay na nakapasok ang PCG sa Ayungin Shoal noong Biyernes matapos iwasan ang ilang barko ng China Coast Guard at Chinese militia vessels.