Advertisers

Advertisers

13th month pay ibigay sa mga empleyado sa tamang oras – DOLE

0 11

Advertisers

NAGPAALALA ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa lahat ng pribadong sektor na ibigay sa mga empleyado ang kanilang 13th month pay sa tamang oras.

Ang maagang paglalabas ng 13th month pay o hindi lalagpas sa Dec. 24. ay itinakda sa bisa ng Labor Advisory No. 25-2023 na nilagdaan ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma.

Sa ilalim ng batas, ang 13th month pay ng empleyado ay dapat na hindi mas mababa sa 1/12 ng kanyang kabuuang sahod sa loob ng isang calendar year.



Ang mga empleyado na nagtrabaho ng kahit isang buwan lamang sa loob ng isang calendar year ay kwalipikadong makatanggap ng naturang benepisyo anuman ang kanyang trabaho, posisyon o employment status.

Naglabas din ang ahensiya ng guideline para sa pag-compute ng mandatoryong 13th month pay base sa kasalukuyang arawang sahod.

Ayon sa DOLE, ang pagkwenta ng 13th month pay ay ang kabuuang basic salary para sa buong taon saka i-divide sa 12.