Advertisers

Advertisers

10 lugar sa bansa positibo sa red tide – BFAR

0 8

Advertisers

NAGPOSITIBO sa nakalalasong red tide ang 10 lugar sa bansa, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Batay sa inilabas na bulletin ng BFAR, ang mga shellfish na nakolekta sa nasabing mga baybayin ay positibo sa paralytic shellfish poison o toxic red tide na lagpas sa regulatory limit.

Ang mga baybayin na ito ay sa President Roxas City sa Capiz, Saplan Bay sa Capiz partikular sa Ivisan at Saplan sa Capiz; Mambuquiao at Camanci, Batan sa Aklan,
– Coastal waters ng President Roxas in Capiz
– Coastal waters ng Panay sa Capiz
– Coastal waters ng Pilar sa Capiz
– Coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol
– Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur
– Coastal waters ng Gigantes Islands, Carles sa Iloilo
– Coastal waters ng San Benito sa Surigao Del Norte
– Lianga Bay sa Surigao del Sur



Kaya’t lahat ng shellfish at alamang na makukuha mula sa nasabing mga baybayin ay hindi ligtas kainin.

Subalit ligtas naman kainin ang mga isda, pusit at alimango basta’t nalinisang mabuti bago lutuin.