Advertisers
ARESTADO ang isang Amerikano nang masamsaman ng mga tanim na marijuana sa tinutuluyang condominium sa Juana Osmeña Extension, Barangay Kamputhaw, Cebu City.
Isinagawa ang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Cebu Provincial Office at Cebu City Police Station 2 sa tinutuluyan ni William Lee Matteson, 75 anyos, taga-Nebraska, United States of America.
Ayon sa PDEA, nakatanggap sila ng impormasyon kaugnay sa pagtatanim ng marijuana ng dayuhan sa kanyang condominium. Maliban sa kanyang sariling konsumo, ibinebenta rin ni Matteson ang nasabing illegal drugs.