Advertisers
INANUNSYO ng Department of Science and Technology (DOST) na simula sa huling bahagi ng Nobyembre, 2023, mararanasan na ng 47 na probinsya sa buong Pilipinas ang tuyot na panahon na dulot ng El Niño phenomenon.
Batay sa inilabas na impormasyon ng DOST, sampung probinsya ang makakaranas ng dry spell na kinabibilangan ng mga sumusunod: Kalinga, Apayao, Cagayan, Nueva Ecija, Batangas, Cavite, Laguna, Oriental Mindoro at Palawan sa Luzon.
Habang sa Visayas ay inaasahang mararanasan ito ng probinsya ng Guimaras.
Maliban dito, 37 na probinsya naman ang makakaranas ng dry condition.
Kinabibilangan ito ng Marindue, Quezon, Abra, Benguet, Ifugao, Mountain Province, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Isabela, Quirino, Nueva Viscaya, Nueva Ecija, Bataan, Bulacan, Pampanga, Tarlac, Zambales, Aurora, Rizal, Romblon, Spratly Islands, Albay, Camarines Norte, Catanduanes, Masbate, Sorsogon and the National Capital Region para sa Luzon.