Advertisers
SI Mang Jerome Christopher David, dating Overseas Filipino Worker (OFW) ay ama ni Job David isang New People’s Army fighter, na nahuli noong September 23, 2023 sa isang combat operations ng Army sa Sitio Malaglag, Barangay Lisap in Bongabong, Oriental Mindoro.
Ang NPA fighter na si Job ay may dalawa pang kasama na nahuli, sinaAlia Encela at Peter del Monte.
Alam ni Mang Jerome na Ang kanyang anak na si Job ay pumasok na sa kilusang walang aasahan, ang komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF. Walang aasahan, dahil para kay Mang Jerome Ang anak ay patungo na sa Kamatayan, gaya ng iba pang mga kabataan naloko at naisali sa kilusan para lamang magamit bilang NPA fighter.
Ang kalungkutan na nakikini-kinita ni Mang Jerome ay napalitan ng Kaligayahan nang mahuli si Job at dalawa pa nitong kasama, sapagkat buhay ang kanyang anak sa kamay ng militar na sinasabi nitong kaaway.
Tuwang-tuwa si Mang Jerome, nang muling nakita at nakapiling ang anak na si Job.
Tila nanumbalik ang sigla ng kanilang pamilya nang payagan ng militar na sila ay magkita-kita matapos ang matagal na panahon, at kalaunan ay kanila nang habang-buhay na makapiling kapag naiproseso na Ang kanyang pagbabalik-loob sa pamahalaan.
Ngunit, ang mag-ama ay nag-taka nang sa balita ay ipangalandakan ng grupong Karapatan na sila Job raw at dalawang kasama nito ay mga militante lamang na nirerepresenta ang mga Indigenous People (IPs) at sila ay biktima ng pagdukot ng militar.
Paanong nangyari? Bakit ganun ang pahayag ng grupong Karapatan samantalang kasama sila sa kilusang CPP-NPA-NDF? Bakit iba ang kanilang ‘linyahan’ sa pangyayari?
Kalaunan ay nalaman ng mag-amang David, na kumikita pala ang Karapatan sa mga ganitong ‘linyahan’. Nanghihingi ng donasyon para sa kanilang tatlo na dinukot nga raw ng militar, at sari-saring ‘posting’ ang nilalagay sa social media para makalikom ng pera.
Hindi naman daw nagbigay ng ni singkong dulingsa kanila ang Karapatan sa mga nakulimbat nitong donasyon. Eh saan napunta ang pera?
Kaya naman, nanawagan na si Mang Jerome. Wala naman daw ganyanan, at sinabihan na ang Karapatan na itigil na ang pagpopost sa social media at tanggalin na ang mga post na may maling impormasyon hinggil sa kanyang anak at dalawa pang kasama nito.
Wala nang naitutulong, nananamantala pa itong Karapatan, para lamang kumita. Gaya ng CPP-NPA-NDF, ang Karapatan ay samahan ng mga di maaasahan. NA NIYO!