Advertisers
Ni PETE AMPOLOQUIO, JR.
VIVAMAX actor Aerol Bren Carmelo was surprised with the complaint filed by the Kapisanan ng Social Media Broadcaster ng Pilipinas (KSMBPI) against Angeli
Khang.
Nag-file ang KSMBPI ng kaso against Angeli at the Pasay city Prosecutor’s Office last Sunday basically because of the alleged deplorable doings of the sexy actress that is contrary to the article 201 of the Revised Penal Code in relation to Cyber Crime Prevention Act of 2012.
“Nakakagulat ang mga pangyayari at hindi ako makapaniwala sa mga kaso na isinampa ng KSMBPI, partida pa na sila ang wagas sa paghingi ng pabor mula sa amin simula’t sapul pa lamang,” intimated Aerol.
May enough reasons para magulat si Aerol dahil kasama siya ng talent manager na si Jojo Veloso nang paunlakan nito noong 2022 ang imbitasyon ni Dr. Michael Raymond Aragon, isa sa mga nagtatag ng KSMBPI.
Sa harap ng aspiring actor na tinutulungan ng KSMBPI, pinuri nang husto ni Aragon si Veloso, na ipinakilala niya bilang adviser ng kanilang organisasyon.
But after a year, they filed a case against his protegee Angeli.
“Mataas o dating mataas ang respeto ko sa grupo nila dahil naipaliwanag nila sa akin noon nang maayos ang kanilang movement o gustong ipamahagi sa ma-
sa kaya nagtiwala ako at naniwala sa kanila.
“Pero sa mga huli nilang aktibidad, e, sa tingin ko dapat na natin silang kausapin na masinsinan dahil sa pagsasampa nila ng reklamo sa mga artista.
“Gusto kong maipaliwanag nila nang harap-harapan ang diumano’y batas na kanilang sinasabi na nilabag daw, na talagang inungkat pa pati ang mga kabataan pero ginagawa naman ng social media regulators ang kanilang mga trabaho.”
Pagkukwento pa ng isa sa mga bida ng Vivamax movie na Haliparot, “May experience ako sa TikTok noong nakaraan lamang. Tinanggal nila ang trailer ng isang Vivamax movie na in-upload ko.
“Ibig sabihin, ginagawa nila ang kanilang mga obligasyon at nakadepende din ito sa community guidelines ng bawat plataporma.
“Kahit gumagamit kami ng age restrictions, kapag hindi ito sang-ayon sa batas ng plataporma, tinatanggal nila para protektahan ang mga kabataan na pinaglalaban daw ng grupo na KSMBPI.”
Personal na narinig ni Aerol ang lahat ng mga papuri noon ni Aragon tungkol kay Veloso at sa mga aktres na gumagawa ng mga pelikula para sa Vivamax kaya
hindi raw katanggap-tanggap ang mga paratang ng KSMBPI sa ngayon.
***
A very supportive mom
ALAM na nating a mother’s love is immeasurable.
Walang hindi gagawin ang isang ina para maibigay ang kaligayahan ng kanyang mga anak.
Hindi naiiba si Cris Myla sa ibang mga ina. Sobrang mahal niya ang kanyang mga anak at nakahanda siyang magsakripisyo para sa kanilang kaligayahan.
Kaya naman very supportive si Cris Myla sa kanyang anak na si Ysabella Orandain.
First time na nakita ko siya sa premiere night ng Mensahe ni Direk Mark Arvin Agcaoili Bago.
Friend siya ng kaibigan naming si Peter Ledesma at ipinakilala niya siya sa amin.
Sa premiere night na yun, nakita namin kung gaano siya ka-supportive sa kanyang anak na si Ysabella.
Kaya naman pala may height si Ysabella ay dahil nagmana ito sa kanyang ina who is quite tall for a Filipina.
Nagulat ako nang mabasa ko sa kanyang Facebook na isa pala siyang Bikolana. The reason why she is soft spoken and nice.
Goodluck sa iyong anak na si Ysabella.
Follow me in Police Files Tonite tabloid at Yari Ka!
Send in those amusing and sizzling stories at #09276557791.
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!