Advertisers

Advertisers

P540m climate change adaptation projects aprubado na

0 4

Advertisers

IBINIDA ng Climate Change Commission (CCC) ang pag-apruba ng People’s Survival Fund (PSF) Board sa mga proyektong naglalayong mapalakas ang kakayahan ng local government units (LGUs) sa pamamagitan ng climate change adaptation.

Sa ika-20 pagpupulong nitong Lunes, inaprubahan ng PSF Board ang limang climate change adaptation projects na inendorso ng CCC na nagkakahalaga ng P540.3 milyon.

Dahil dito, pinasalamatan ni CCC Vice Chairperson at Executive Director Robert Borje si Department of Finance Secretary Benjamin Diokno, ang PSF Board Chair, sa kanyang liderato at sa commitment nito sa pagsusulong ng mga layunin ng PSF.



Nabatid na ang mga proyektong ito ay buhat sa mga panukala ng mga lokal na pamahalaan kasunod ng ‘call for proposals’ ng PSF Board noong Pebrero hanggang Abril ngayong taon.

Kabilang sa mga adaptation na gagawin ng mga LGUs ay ang pagtatatag ng climate field school para sa mga magsasaka, proteksyon laban sa baha, pamamahala sa mga kailugan, pagkakabit ng mga solar-powered pumps, at rehabilitasyon ng mga bakawan.

Sa parehong pagpupulong, inaprubahan din ng PSF Board ang P2 milyon na Project Development Grant (PDG) para sa bayan ng Besao, Mountain Province upang isagawa ang mga aktibidad sa paghahanda ng proyekto tulad ng hydrological at geotechnical studies.

Kasama sa mga naunang naaprubahang proyekto ay mula sa Lanuza, Surigao del Sur; Kitcharao, Agusan del Norte; Gerona, Tarlac; Del Carmen, Surigao del Norte; Sarangani Province; at San Francisco, Camotes Island, Cebu. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">