Advertisers

Advertisers

Grab at mga riders sa iba’t-ibang platform , pinagpapaliwanag sa bagong fare matrix

0 7

Advertisers

Kasabay ng pagpahayag ng suporta sa mga riders sa kanilang laban para sa mas patas na fare system, hiniling ni Senator Risa Hontiveros na ipaliwanag ng lahat ng riders sa ibat-ibang platform lalo na ang Grab ang kanilang fare matrix .

Sinabi ni Hontiveros na kung nais  ng ibat-ibang platforms na babaan ang pamasahe at mapagaan ang pasanin ng mga Grab costumer, ang gastos ay hindi dapat manggaling sa nga drivers kundi sa  platform.



“I am with Grab riders and all riders on different platforms in their fight for a fairer fare matrix. These platform companies that engage in abusive practices have a lot of explaining to do,” saad ni Hontiveros.

“As one of the leading platforms in the country, Grab should uphold the principle of equal pay for equal work if they are to truly consider their overall business model a success,” binigyan-diin pa ng senadora .

Nanawagan ang National Union of Food Delivery Riders, Organizer para sa NCR na ilabas  ang bagong fare matrix ng Grab na isang pang-aabuso sa karapatan ng mga manggagawa.

Sinabi ni Hontiveros na ang fare matrix ay nagtatag ng base fare per delivery kung saan ang gastos kada kilometro ay idadagdag.

Dagdag pa, sa bagong Grab fare matrix , ang minimum base fare ay binabaan mula P45 hanggang P35 at ang surcharge per kilometer mula P10 hanggang P7.



“Paano naging “fair and sustainable” ito, lalo na sa hirap ng buhay ngayon? Ito na ba talaga ang “most competitive earning potential” para sa mga riders?” pahayag pa ng senador .

Sa panahon aniya ng patuloy na pagtaas ng mga bilihin, hindi tama na tatapyasan pa ang kita ng ating mga manggagawa, kahit pa gig workers sila, tulad ng ating mga riders dahil noon pa man ay  maliit na ang kanilang kinikita, ngayon ay mas liliit pa.

Dagdag pa, sinabi ni Hontveros na may mga ulat na ang mga riders na nagprotesta laban sa bagong fare matrix ay sinuspinde diumano dahil sa safety concerns.

“This new dispute highlights the need to patch the gaps in our laws and policies so we can protect the rights of riders and all Filipinos in the gig economy,” dagdag pa ng senador.

Patuloy namang isinusulong ni Hontiveros ang Senate Bill No. 1373 o ang POWERR (Protektadong Online Workers, Entrepreneurs, Riders and Raketera) bill, na naglalayong bigyan ng konkretong benepisyo at proteksyong legal ang mga nagtatrabaho sa gig economy.

“Empowering the labor force doesn’t only involve dispensing salary. We should also ensure job security and stability, especially for the underrepresented informal sector.”sabi ng senador.