Advertisers
INIHAYAG ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na nananatili pa rin sa kanilang database ang pangalan ng mahigit apat na milyong Pilipino na dating miyembro ng PhilHealth ngunit namatay na.
Ayon kay PhilHealth President at CEO Emmanuel Ledesma Jr., isa ito sa mga nananatiling problema ng state health insurer.
Dahil dito, nakikipag-ugnayan na aniya sila sa Department of Information and Communications Technology (DICT) upang mabigyang solusyon ang naturang problema, kasabay ng pagnanais na malinis ang database nito.
Siniguro naman ng opisyal na tutugunan ang naturang problema sa lalong madaling panahon, at hindi aniya ito magiging sagabal sa pagbibigay ng maayos na pasiguro sa kalusugan ng mga miyembro.
Samantala, sa kasalukuyan ay nagawa na umano ng Philhealth na maging miyembro ang hanggang 92% ng mga Pilipino.
Tuloy-tuloy aniya ang kampanya na maipasok ang lahat ng Pilipino sa coverage nito, bilang isa sa mga mandato nito.