Advertisers
NAGSIMULA na nitong Huwebes ang sampung araw na kampanya para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE) na gaganapin sa Oktubre 30 ng taon.
Karamihan sa dinadaing ng mga kandidato partikular sa pagka-kapitan o tserman ay pondo para PAMBILI ng BOTO! Susmaryosep!
Dapat tigilan na ang ganitong kalakalan sa halalan. Baguhin na natin ang napakasamang sistema ng politika sa bansang ating minamahal. Ibalik natin ang dating marangal na eleksyon, na ang mga tao ay bomoboto ayon sa kanilang kursunada at walang sangkot na kuwarta!
Iwasan na nitong mga kandidato ang lumapit, humingi ng financial assistance sa mga nakaupong mayor, kongresista at gobernador. Ito’y para hindi magkaroon ng UTANG NA LOOB at magamit pagdating ng national election.
Tandaan!: Ang barangay ay non partisan, hindi dapat nagpapagamit sa mga politiko lalo sa trapo (traditional politician).
Oo! Simulan natin ang pagbabago sa barangay, ibalik ang maayos na halalan tulad noon na walang bilihan ng boto. Bomoto tayo ng maayos na kandidato, may kapasidad at may programa para sa pag-unlad ng barangay.
Kapag may mga kandidato na nagbibay ng pera kapalit ng inyong boto, sagutin ninyo ng taas-noo: “Hindi ko ibinibenta ang boto ko. Boboto ako ayon sa kakayahan ng mga kandidato tulad ninyo. Kung ikaw ay karapatan-dapat maging opisyal ng ating barangay, iboboto kita nang walang pag-alinlangan.” Period!
Para naman sa mga botante: Kung ikaw ay ipinanganak at lumaki sa inyong barangay, ibig sabihin ay kilala mo ang karakas ng mga tao sa lugar ninyo. Kilala mo sa simula palang ang pagkatao ng mga kumakandidato sa barangay. Kaya hindi ka dapat magkamali sa pagboto. Oo! Dapat maayos na kandidato ang iboto mo!
Kapag ang mga nanalong kandidato partikular kapitan o tserman ay madilim ang pagkatao tulad ng may bisyo, lasenggero, babaero, sugarol, sangkot sa mga iligal at magulo ang pamilya, hindi ang kandidato ang may problema kundi ang mga botante ng barangay. Opo! At asahan ninyo na walang mangyayaring pag-unlad sa inyong komunidad. Peks man!
Again, simulan natin ang pag-ayos ng politika sa barangay. Mahalal tayo ng matinong kandidato, at huwag ibenta ang boto.
Mabuhay ang barangayan!
***
Sa Uganda, ipinagbabawal na ng presidente ang pagpasok ng used clothing o “ukay-ukay” dahil ito raw ay nagdadala ng maraming sakit sa kanilang bansa.
Dito sa Pilipinas, ipinagnabawal din ang “ukay-ukay” pero bumabaha ng ukay-ukaw sa bangketa, lantaran ang bentahan lalo sa mga probinsiya. Resulta: Samu’t saring sakit ang kumakalat sa bansa. Animal!