Advertisers

Advertisers

MAGULANG NG NAHULING NPA NAKIUSAP SA KARAPATAN HUWAG GAMITIN ANG KANYANG ANAK

0 22

Advertisers

NANAWAGAN ang magulang ng isa sa tatlong nahuling New People’s Army fighters na si Job David sa grupong Karapatan at sa mga kaalyado nitong iba pang organisasyon na huwag gamitin ang kanyang anak bilang bahagi ng kanilang pangloloko sa publiko.

Inihayag ni Jerome Christopher David, dating Overseas Filipino Worker (OFW) na ama ni Job, ipinalalabas ng Karapatan na ang kanyang anak at dalawa pa nitong kasamang NPA fighters ay biktima ng pagdukot ng militar, at pawang ang mga ito ay militante lamang na nirerepresenta ang mga Indigenous People (IPs).

“Sana itigil na ng Karapatan na mag-post sila sa Facebook na ang anak ko ay dinukot, tinurtyor. Hindi po totoo ‘yon, kayo mismo (Karapatan) ang nagko-commit ng human rights (violation) na walang permiso namin na i-post niyo ‘yung profile picture ng anak ko na sila ay dinukot,” ang panawagan ni David sa virtual press conference ng Integrated Communications Office Center (ICOC), ang media bureau ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).



Sa totoo lamang, si Job ay isa sa tatlong fighter ng komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF na nahuli ng militar sa isang enkwentro at pinalalabas ng Karapatan na sila ay dinukot.

“Tama na po, ‘wag niyo na pong i-post ‘yan, pakiusap lang po. Kung ano man po ang inyong ipinaglalaban puwede niyo naman daanin sa matiwasay na paraan. Tama na po, ako na po ang nakiki-usap sa inyo. My son is now living peacefully,” ang paki-usap ni Mang Jerome.

Isiniwalat naman ni Brigadier General Randolph Cabangbang, commanding general ng Army’s 203rd Infantry Brigade, sa media na ang mga magulang ni Job, Alia Encela at Peter del Monte ay nagpaplano nang magsampa ng mga kaso laban sa Karapatan.

“In fact, I’m discouraging them (parents) not to file what they think is a writ of Amparo. Sabi ko wala namang nakikinig sa Karapatan. Having said that, we’re consulting lawyers, we’re studying it,” ang sabi ni Cabangbang.

“To Karapatan, hands off our families, hands off our children,” dagdag pa niya.



Si NTF-ELCAC spokesman Joel Sy Egco, na siya ring ICOC director-designate, ay inulit ang kanyang babala sa Karapatan at iba pang mga ‘front organizations ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) na tigilan na ang panghihingi ng donasyon gamit ang taktikang “abduct-surface-donate-release” o’ ASDR.

“Kahit ano pa ang sasabihin niyo, kayo-kayo na lang ang naniniwala sa sinsabi niyo sa inyong echo chamber mismo. NTF-ELCAC continues to gather evidences of your scamming activities and in due time charges will be filed against you,” he said.

Dagdag pa ni Egco ang ELCAC National Secretariat na pinamumunuan ni Executive Director Undersecretary Ernesto Torres Jr. ay nasa likuran na ng mga balakin ng mga magulang sa pagsasampa ng mga kaso kasama ang Army laban sa Karapatan at iba pang mga front organizations.

“Again, Encela, del Monte and David are not detained, they voluntarily submitted themselves to be in the custody of the military as they’re undergoing the processes of rebuilding their lives ruined by the CPP-NPA-NDF before joining their families and to mainstream society,” paliwanag pa ni Egco.

Ang tatlo ay nahuli ng Army troopers noong September 23, 2023 sa isang combat operations sa Sitio Malaglag, Barangay Lisap in Bongabong, Oriental Mindoro.

Dagdag naman ni Cabangbang, siya man ay nasisiyahan na, sa inaasahang pagsasama ng mga pamilya ng mga rebelde na makapiling muli ang kanilang mga anak.

“Alam niyo six months ko pa lang dito sa brigade. Unang salpak ko ay nag-turnover agad ako ng bangkay ng isang Medtech student sa kanyang nanay, namatay sa engkuwentro laban sa mga tropa. Very sad moments. Ngayon it’s happy moments dahil buhay itong tatlo na sa di kalauna’y makakasama na nila muli ang kanilang mga magulang,” ang kwento ng opidyal.

Sa nasabing conference, ipinakita ng ICOC ang 7-minutong video clip na nagpapakita na ang mga magulang at kaanak nila Encela, del Monte at David ay masasayang at nag-aakapan nang muling makapiling ang tatlong ginawang NPA fighters.

“Ang talagang ambisyon namin ay mabuhay nang tahimik, makapaghanap-buhay nang tahimik…Na-restore (na) ang kanyang morale as a citizen at itutuloy niya ang kanyang career,” ang sabi ni David patungkol sa kanyang anak na nahuli.