Advertisers
DAPAT tandaan: Mga Kapitan na nagbabahay-bahay ngayon na di nag-house to house noong pandemya; mga Kupitan este Kapitan na biglang yaman dahil hindi lahat binigay sa ka- barangay ang kaukulang ayuda ng pamahalaan sa mamamayan.
Ang nakupit ay ibinulsa at di nangilabot ang phootek!
Mga benggador na hindi pinaglilingkuran ang mga di niya kapanalig lalo sa paggawa ng di matuwid.
Huwag kukurap baka mailuklok muli ang mga opisyal na corrupt.
‘Di rin dapat pagoyo sa Kapitan na ngayon ka lang lalapitan sa panahon ng kampanya na lumarga na at simula na silang pumarada para mambola.
Kapag naiboto niyo pa na man ang ganyang klaseng Kapitan,ewan ko na lang sa inyo kabayan.
BOBOTANTE na lang ang boboto sa mga ganyang kandidato.
Ito ang tamang pagkakataon para makaganti sa mga pasasang opisyal ng barangay.Tanggalin sa listahan…
ABANGAN!
Kahapon ang takdang panahon ng paglarga ng kampanya para sa barangay polls sa katapusan ng buwan( katapusan na rin ng maliligayang araw ng hunghang na incumbent),ng mga tumatakbong lider ng barangay mula Kapitan,Kagawad ar Sangguniang Kabataan..
Lowcut:Happy happy birthday to patriarch LAUDEMAR DUNGCA .
Greetings from his family Marjell Dungca, Febie Myca Dungca,Wendy Dungca,Andrea Dungca, Katrin Braza, Jijo Jay Lumen, Iane Muñoz and Charlie Barawel. Wish you happy life, good health, wealth and more birthdays to come!