Advertisers

Advertisers

BAGONG PERSONALIDAD SA MATANDANG BALARA!

0 5

Advertisers

Maugong ang mga litanyang “sawa na kami sa mga dating opisyal ng barangay sila lang umasenso.., kelangan bagong personalidad naman na magmamalasakit sa buong barangay”.., mga kuwentuhang maririnig saan mang umpukan ngayong nalalapit na ang halalang pang-barangay ay abala na sa pagpili ng mga kandidatong ihahalal tulad sa BARANGAY MATANDANG BALARA, QUEZON CITY.

Nitong nakaraang buwan, habang kumakain ako sa isang karinderya sa lugar na nasasakupan ng BARANGAY MATANDANG BALARA ay lihim na nangingiti at napapailang ako sa kuwentuhan sa kabilang lamesa na 5-katao ang magkakaharap dahil sa pinag- uusapan nilang mga kumakandidato ngayon sa kanilang BARANGAY.

Ang dating CHAIRMAN ng kanilang BARANGAY ay kumakandidato raw uli ngayon para maging CHAIRMAN uli.., na ang kasalukuyan daw na CHAIRMAN sa kanilang lugar na kandidato rin uli ngayon ay may pinatakbo rin umano ito na kapangalan ng dating CHAIRMAN.., para nga naman mahati ang boto na karaniwang taktika ng mga politiko na ang makakalaban nila ay tatapatan ng kapangalan para malito ang mga botante.



Sa ngayon ay umuugong na sa mga magkakapitbahay at may mga nanghihimok na rin na ang iboto na raw ay bagong personalidad para maging CHAIRMAN sa kanilang BARANGAY.., pero hindi raw iyong kapangalan ng dating TSERMAN.. ang dapat daw bigyan ng pagkakataon ay ang kanilang ka-barangay na si BERNIE LEYTE. JR

” Maiba naman ang iboto,” sagot ng mga nakumbinsi na anila ay huwag na raw ibalik sa puwesto ang mga dating nagsipag-TSERMAN sa kanilang BARANGAY.., kaya may mga boluntaryo na raw na nangungumbinsi para ang kanilang iboto ay ang mapapakinabangan ng kanilang mga ka-barangay.., at ang inaasahang ngayon para sa mabilis na progreso ng BARANGAY MATANDANG BALARA ay si BERNIE LEYTE JR.

Sa kuwento ng ilan kong mga kakilala sa naturang barangay ay isa palang BS CUSTOMS ADMINISTRATION at naka-3rd year sa LAW itong si LEYTE JR.., ngayon ay Isa na siyang negosyante at property consultant

Narinig ko pa sa kuwentuhan ng ilang magkakapitbahay sa Zuzuarregui na kailangan na raw ng pagbabago sa liderato ng kanilang barangay at ang dapat daw mamuno ngayon sa kanilang BARANGAY ay si LEYTE JR dahil ang plataporma raw nito ay.., unahin ang tao bago ang sarili; ibalik ang dapat o “accountability” ng pamamahala sa barangay; Barangay Emergency Fund; isulong ang pabahay at palupa sa barangay; at magkaroon ng burulan at damayan sa BARANGAY upang walang ibuburol sa tabing kalsada.

Sa naturang barangay ay marami akong mga kamag-anak na residente at siyempre pa ay marami akong mga naging kaibigan na sila mismo ang nagsaad na itong si BERNIE LEYTE JR ay PRESIDENT ng OLD BALARA HOME OWNERS ASSOCIATIONS FEDERATION; BLUE GARDENS HOME OWNERS ASSOCIATION PRESIDENT; ROTARY CLUB MEMBER; at MEMBER ng GUARDIAN BROTHERHOOD.



Kahapon nagsimula ang OFFICIAL CAMPAIGN PERIOD kaya ang mga kandidato sa buong bansa para sa pang-barangay ay naging abala sa kani-kanilang mga estratehiyang pangangampanya upang sila ang iboto ng kanilang mga kalugar.

Mensahe ng ARYA sa mga botante.., kung sawa na kayo sa mga dati ninyong TSERMAN dahil halos walang naging progreso ang inyong lugar at namayani pa ang kurapsiyonlalo na nitong nagdaang COVID-19 PANDEMIC na kinaltasan pa ang halaga ng ayudang dapat natanggap ng mga constituent ay panahon na ngayong October 30 na hatulan po ninyo ang mga nag-abuso sa paraang huwag nang iboto at bigyan ng pagkakataon ang BAGONG PERSONALIDAD na liderato sa inyong BARANGAY tulad sa ikinakampanya ngayon sa BARANGAY MATANDANG BALARA na kinakailangan na ng pagbabago…, ang sinserong pamamahala sa barangay!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig