Advertisers

Advertisers

Live mula El Salvador…..MISS UNIVERSE MAPAPANOOD SA IBA’T IBANG ABS-CBN PLATFORMS

0 13

Advertisers

MASASAKSIHAN ng mga manonood ang laban ni Michelle Marquez Dee para masungkit ang korona bilang Miss Universe dahil ipalalabas ng ABS-CBN ang ika-72 na edisyon ng Miss Universe sa iba’t ibang platforms kabilang ang A2Z Channel 11, Kapamilya Channel, Metro Channel, at iWantTFC, sa Nobyembre 19 (Linggo) simula 9 AM.
Live na mapapanood mula sa El Salvador ang kompetisyon kung saan makakalaban ni Michelle ang 89 na mga reyna mula sa iba’t ibang bansa.
Tiyak na mas maraming tagasuporta ang makakasaksi sa inaabangang pagrampa ng mga kalahok sa kanilang swimwear at evening gown at pati ang makabuluhang sagot sa Q&A portion.
Kanino kaya ipapasa ni 71st Miss Universe R’Bonney Gabriel ng USA ang korona? Sabay sabay panoorin ng live ang kompetisyon sa A2Z, Kapamilya Channel, Metro Channel, at iWantTFC.
Maaaring mapanood ang same-day replay ng 9:30 ng gabi sa A2Z, Kapamilya Channel sa pamamagitan ng Sunday’s Best, Metro Channel at iWantTFC. Magkakaroon din ng mga replay sa Metro Channel sa ibang araw sa loob ng linggo.