Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
HULING umere ang mga replay ng Daig Kayo Ng Lola Ko noong Hulyo at ngayong Oktubre nga muling umere ang fresh episodes ng show.
“Naging family ko po sila for ilang years bago po ako nagsimula ulit sa Prima Donnas, tapos naging Abot Kamay [Na Pangarap},” sabi ni Jillian Ward.
“So sobrang nostalgic po talaga tapos kasi parang naging baby po talaga ako sa kanila kasi ngayon po dalaga na po ako.
“Pero alam niyo po parang baby pa rin po yung trato nila sa akin,” at tumawa si Jillian.
“Parang wala lang po, parang magkakasama po kami for six years na walang stop, ganun po yung feeling,” umpisang kuwento sa amin ni Jillian na bida sa Captain Kitten na month-long feature ng Daig Kayo Ng Lola Ko na siya si Kat na nagiging superhero with matching superhero costume.
May say ba si Jillian sa kanyang costume bilang si Captain Kitten?
“Meron po. Actually iyan po ang nakakatuwa po sa Daig Kayo Ng Lola Ko family kasi po very collaborative po sila, iyan po sina direk itatanong po sa aming mga artista kung saan po kami kumportable.”
Si Rico Gutierrez ang direktor ng Daig Kayo Ng LoLa Ko.
“Kasi para po kina direk alam ko po alam nila na bilang artista mas maganda po yung mga eksena kapag kumportable ka po sa suot mo, sa gagawin mo kumbaga.
“So iyon po sobrang na-appreciate ko po iyon kasi kino-consider po talaga nila kami, yung safety po namin.
“Kung saan po kami kumportable so thank you so much po talaga sa kanila, thank you po, direk, thank you!”
Apat ang pet na aso ni Jillian, wala pa raw siyang pet na pusa pero gusto sana niya na magkaroon.
“Kaso nga lang allergic po ang mama ko, so ayun.”
Napapanood tuwing Sabado, 6:15 p.m. sa GMA Network, nasa Captain Kitten rin sina Gabby Eigenmann as Dr. Tom at ang Sparkle stars na sina Archie Alemania as Caloy, Angela Alarcon as Coach Abby, Kim Perez as Marty, at Shuvee Etrata as Feline.
***
NAGING grand finalist noong 2018 sa Miss Q and A ng It’s Showtime si Elsa Droga; kailan siya muling mapapanood ng regular sa TV?
“Mapapanood ninyo po ako siguro pag nahuli po ako, sa TV Patrol po,” at tumawa ang komedyante. “Hindi, for me naman kasi po sobrang ano na talaga ko, from Miss Gay lang ako nakilala, hindi naman talaga ako… Miss Q and A sa Showtime po, dun lang po talaga ako nakilala.
“Hindi din po ako naging artist na magaling umarte, so nung nag-start po akong kunin ni Meme Vice sa movie niya po nung MMFF (Gandarrapiddo: The Revenger Squad (2017), ayun po yung pinaka-kauna-unahan kong guest na umarte, so nabigyan po ako ng opportunity, so this time ang dami ko na pong nagawang series, nakakasama na po ako sa mga films.
“Lahat naman tayo may pagkakataon na kunin ulit, if ever na i-invite po kami ulit sa Showtime, pag pinatawag po kami ng production, pupunta po kami agad sa Showtime, under pa din po kami ng Showtime kasi sila po yung nagpakilala sa amin.
“Naghihintay lang po ako ng opportunity na makabalik sa television, pero mas priority ko din po yung mga show sa mga fiesta, ang pinaka-work ko po ngayon is raket po talaga sa iba’t ibang town fiestas.”
Latest project ni Elsa ang “ONLINE IN LOVE (Influencers Series)” na introducing sa lead roles sina Gab Rosales at Daniel Bautista, kasama sina Jassy Calupitan, Jewel Gines, Marissa Joelle, Pink Rose, at Oreo Libios.
Ang limited online series na ito ay sinulat ni Eldrin Veloso, at ang executive producer ay si Marissa Joelle (na kandidata rin sa Mrs. Philippines 2023), line produced by Mabuhay PH, at sa direksyon ni Jag Cruz isang indie filmmaker na siya ring director ng “A Journey With Joanna Marie” na isang lifestyle show aired over Light TV.
Mapapanood ang Online In Love ngayong Nobyembre 2023 sa Youtube at iba pang streaming platforms.