Advertisers

Advertisers

Angeli Khang kinasuhan sa pagpu-post ng “explicit scenes” ng Vivamax movies

0 106

Advertisers

Ni PETE AMPOLOQUIO, JR.

SINAMPAHAN ng six counts ng criminal charges ng grupong Kapisanan ng Social Media Broadcaster ng Pilipinas, Inc. (KSMBPI) si Angeli Khang dahil daw sa mga nai-post ng Vivamax star ng mga maituturing na “explicit scenes” that were taken from her movies.
Unfair daw kay Angeli na kasuhan siya ng ganito ng nasabing grupo.
Kini-claim pa ng nasabing grupo, na sila raw ang watchdog of the cyberspace of the Philippines kaya binabantayan nila ang mga ipinu-post sa social media ng sexy stars gaya ni Angeli.
Napakadali raw kasing buksan ang kanilang social media account, particularly ng mga kabataan.
Nag-react ang mga kasamahan ni Angeli sa Vivamax tulad ni Rash Flores, na nag-story conference ang bagong pelikula nilang Virgin Sisters ng Pinoyflix and Entertainment Production, Inc. ni Direk JR Olinares.
“Co-artist namin si Angeli Khang. Alam naman namin na wala siyang ginawang masama. Wala naman siyang nilabag sa batas.
“Kaya naniniwala kami na mapapawalang-bisa yung kaso,” opined Rash.
Naniniwala naman si Audrey Avila na nakiki-ride on lang ang KSMBPI sa popularity ni Angeli.
“Wala akong alam dun sa issue kasi hindi naman ako ma-social media masyado.
“Siguro, para sa akin, nakiki-hitch lang yung mga nag-file ng case kay Angeli. Siguro gusto lang nila bumida.
“Kasi yung Vivamax nga ngayon, di ba, sobrang hit niya, ganyan. Laging napu-post sa social media, ‘Vivamax, Vivamax!’
“Napaka-redundant kahit hindi naman nila alam yung meaning naman talaga nung Vivamax.
“So, feeling ko, nakiki-hitch lang yun na gusto lang nilang sumikat, ganyan, without knowing na nakakasakit sila ng tao, ayun!”
Ang kasama nina Rash at Audrey sa pelikulang Virgin Sisters na sina Amabela de Leon at Ada Hermosa ay nagpahayag din ng suporta para kay Angeli.
***
DJ ALVIN a man of so many
talents!
A man of good looks and so many talents, that’s DJ Alvin in a nutshell.
Maliban sa pagdi-direk ng pelikula, he’s a very good host, an event organizer, TV host among many others.
May show na sila sa EuroTV Philippines kung saan kasama niya ang isang talented lady named DJ Iza.
Napanood namin siya in action nang mag-host sa premier night ng Mensahe more than a month ago at napahanga niya kami sa kanyang animated hosting
na tunay namang oozing with energy.
So, good luck, DJ Alvin. I’m positive na marami pa ang swerteng darating sa yo.
Follow me in Police Files Tonite tabloid at Yari Ka!
Send in those amusing and sizzling stories at #09276557791.
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!