Advertisers

Advertisers

16 na OFWs at isang sanggol mula Israel, dumating na sa NAIA

0 13

Advertisers

Dumating na sa bansa ang unang batch na binubuo ng 16 na Overseas Filipino workers (OFWs) kasama ang isang sanggol lulan ng Etihad Airways flight mula Israel.

Ayon Kay DMW Usec. Hans Leo Cacdac, 15 sa nasabing batch ay lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 ay mga caregiver at isang hotel worker.

Sinabi ni Cacdac na meron pang susunod na batch na mga Pinoy ngunit hindi pa niya kinumpirma kung kailan sila darating mula Tel Aviv.



May 137 pa umanong mga Pinoy na kasal aniya sa kanilang mga asawang Palestinian na naghihintay pa ng instructions kung kailan sila makakauwi ng Pilipinas, habang nasa 78 naman na Pinoy ang nasa border na ng Rafah.

Karamihan sa mga Pinoy na humihiling ng repatriation ay nagmula sa Tel Aviv, kung saan hindi naman aniya lubhang delikado sa kabila ng giyera sa pagitan ng Israel at grupong Hamas.

Sinalubong ang mga OFW ng mga kinatawan ilang government agencies kabilang ang DFA, DMW, OWWA, DSWD at DOH. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)