Advertisers
SINAMPAHAN ng kasong kriminal ng Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas ang online personality na si Toni Fowler dahil sa malalaswa nitong contents sa YouTube channel.
Mababasa sa opisyal na Facebook page ng samahan, “KSMBPI President Atty Leo Olarte, MD and KSMBPI lawyer Atty Mark Tolentino files criminal case versus Toni Fowler on behalf of Kapisanan ng Social Broadcasters ng Pilipinas, Inc. ( KSMBPI) at the Pasay City Prosecutors Office thus morning Sept 27, 2023.”
Kinasuhan ng social media broadcasters ang social media personality dahil sa tatlong music video nito sa YouTube na nagpakita ng mga malalaswa at maseselang parte ng katawan ng lalaki at babae.
Ayon sa ulat, tatlong beses na paglabag ang kaso sa Revised Penal Code Section 201 in Relation to Cybercrime Law.
Bawat video ay may multang P6,000 hanggang P12,000 at parusang pagkakakulong ng hanggang 20 taon.
Ang nabanggit na samahan din ang nagsampa ng kasong kriminal sa magdyowang Vice Ganda at Ion Perez kaugnay ng “icing incident” sa noontime show na “It’s Showtime”.
Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Toni tungkol dito.