Advertisers
ISANG lalaking Indian na wanted sa mga gawaing panloloko ang naaresto ng Bureau of Immigration (BI) nitong September 26.
Sa ulat kay BI Commissioner Norman Tansingco, kinilala ni fugitive search unit (FSU) Chief Rendel Ryan Sy ang suspek na si Prithes Das, 22, na naaresto sa isang restaurant sa Bantay, Ilocos Norte.
Ang operasyon ay ginawa sa koordinasyon ng Philippine National Police (PNP) foreign intelligence and liaison division, regional intelligence unit, Provincial intelligence unit of Ilocos Sur, at government intelligence units sa northern Luzon.
Nabatid na si Das ay overstaying at undesirable alien matapos na iulat ng kanilang pamahalaan dahil sa kanyang krimen.
Pinagbigay alam ng mga Indian authorities sa BI na si Das ay nagpapanggap at nagpapakilala bilang Chief Advisor sa Embassy of India sa Maynila sa kanyang mga biktima ng kanyang mga panlolokong gawain.
Siya ay naaresto sa Baguio at may nakabinbing reklamo sa Davao City dahil sa parehong krimen.
Agad na dinala si Das holding facility ng BI sa loob ng Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig. Agad din siyang idedeport at ilalagay sa blacklist. (JERRY S. TAN /JOJO SADIWA)