Advertisers

Advertisers

OTS chief nagbitiw na, nagsabing pagbitiwin mga tiwaling opisyal

0 13

Advertisers

NAGBITIW na ang kasalukuyang administrator ng Office of Transport Security (OTS) bunsod narn ng kinakaharap na kontrobersiya sa Ninoy Aquino International Airport na cash-swallowing scandal.

Naghain na ng kanyang ‘courtesy resignation’ si OTS Administrator Ma. O Aplasca, isang retired Police Brigadier General, kasunod narin ng kahilingan ni House Speaker Martin Romualdez na magbitiw sa kanyang puwesto o personal niyang haharangin ang pag-apruba sa 2024 budget ng OTS.

Kasalukuyang pinag-uusapan ng mababang kapulungan ang 2024 budget ng mga ahensya ng gobyerno.



Sa nasabing deliberasyon, nanawagan si Romualdez para sa cleansing o paglilinis ng buong OTS kung saan dapat aniyang palitan ang mga empleyado dito at muling kumuha ng panibagong mga tao na pumasa sa tamang proseso matapos makita ang isang security officer ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na nagnakaw at lumunok ng pera mula sa isang Chinese traveler.

Nauna rito, nagpahayag ng pagkagulat si Aplasca sa panawagan ni Romualdez. Sinabing wala siyang ginawang mali at ang mga tiwaling opisyal ang dapat umanong hilingin na magbitiw.