Advertisers
PATAY ang mag-ama at sugatan ang isa pa nang sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa kasalubong na motorsiklo at nahulog sa kanal noong Linggo sa Quezon.
Dead-on-the-spot ang mag-amang Renato Ramirez, 51 anyos; at anak nitong si Jeremy Ramirez, 24, driver ng motorsiklo, at kapwa residente ng Brgy. Lutucan Malabag sa nasabing bayan.
Sugatan naman ang nakabanggaan ng mag-ama na si Rogelio Cagas, 38, ng Brgy. Lutucan 1.
Sa report sa Quezon Police Provincial Office, naganap ang insidente sa Brgy. Poblacion 4, ng naturang bayan.