Advertisers

Advertisers

‘Hijack me’ buking: 1K bags ng asukal ninakaw ng mga driver, narekober

0 6

Advertisers

NAREKOBER ang kabuuang 1,000 bags na ninakaw na asukal na nagkakahalaga ng P3.2 milyon sa isang bodega sa Barangay Busay, Bago City, Negros Occidental nitong Martes, Setyembre 26.

Kasunod ito ng insidente ng pag-hijack sa La Carlota City, Negros Occidental Lunes ng gabi, Setyembre 25.

Ayon kay Major Joeil Reclamado, Murcia, hepe ng Negros Occidental Police, sinabi ng mga driver na ang dalawang wingvan trucks na may kargang tig-500 sako ng asukal ay bumibiyahe mula sa Binalbagan, Negros Occidental nang parahin sila ng limang hindi pa nakikilalang tao pagdating sa La Carlota City.
Sinabi ni Reclamado, ang mga driver na pinayagan nilang sumakay sa kanilang mga sasakyan ang mga hindi pa nakikilalang tao dahil inaakala nilang co-driver ang mga ito.



Nagdeklara umano ang mga taong ito ng hijack at dinala ang mga driver sa iba’t ibang lugar sa lalawigan habang nakatali at nakapiring sila sa likod ng mga sasakyan.

Sinabi ni Reclamado na nasagip ang mga driver nang makitang inabandona umano ang kanilang sasakyan sa Barangay Pandanon, Murcia, Martes ng madaling araw.

Makalipas ang ilang oras, sinabi ni Police Colonel Leo Pamittan, direktor ng Negros Occidental Police, na isa sa mga driver ang umamin at nagsabi sa pulisya na ang asukal ay ibinaba sa isang bodega sa Bago City.

Napag-alaman ng pulisya na siyam na tao ang kinuha para magdiskarga ng asukal sa dalawang trak.

Sinabi ni Pamittan na unang iniulat ang insidente bilang hijack batay sa mga alegasyon ng mga driver.



Pero natuklasan na ang insidente ito ay ‘hi-jack’ me.

Nakatulong din, aniya, sa imbestigasyon ang salaysay ng may-ari ng truck at ng bumibili ng asukal, matapos nilang ibunyag na mayroong Global Positioning System (GPS) ang mga trak na siyang sumusubaybay sa galaw ng mga sasakyan.

Mula roon, sinabi ni Pamittan na nakabuo sila ng konklusyon na ang mga driver ng trak at ang caretaker ng warehouse ay magkasabwat.

Ayon pa kay Pamittan, batay sa GPS, halos pitong oras na nanatili ang mga sasakyan sa isang isolated area sa Pontevedra, Negros Occidental, taliwas sa naunang pahayag ng mga driver na dinala sila sa iba’t ibang lugar.