Advertisers

Advertisers

Higit 500 barangays walang tatakbong kandidato sa BSKE

0 5

Advertisers

NASA mahigit 500 barangay sa buong bansa ang walang tatakbong mga kandidato para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections ngayong taon ayon sa Commission on Elections.

Karamihan sa mga barangay na ito ayon kay Comelec Chairperson George Garcia ay mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

May ilang barangay din sa rehiyon ang walang katunggali sa lokal na halalan.



Ipinaliwanag naman ni Comelec Spokesperson John Rex Laudiangco na lahat kasi ng mga lokal na opisyal ngayon ay nasa hold over capacity lamang dahil tapos na ang kanilang termino.

Kaugnay nito, dalawang scenario ang maaari aniyang mangyari, una, maaaring manatiling incumbent ang mga nakaupong opisyal na walang tumatakbong kandidato hanggang sa maging kwalipikado muli ang mga ito para sa panibagong termino o kaya’y maaaring i-exercise ng DILG ang hurisdiksiyon nito kung saan may kapangyarihan itong magtalaga ng caretaker sa bakanteng posisyon o direktang magtalaga ng uupo sa mga lugar na walang kandidato.

Pahayag ng Comelec, ginawa na rin ito noong barangay at SK elections noong 2018, kung saan inatasan ng DILG ang mga local government executives na magtalaga ng mga opisyal sa mga lugar na walang mga kandidato.