Advertisers

Advertisers

Dennis nailang kay Bea nang muling magkita after 20 years

0 19

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

MAKALIPAS ang dalawampung taon ay muling nagkatrabaho sina Dennis Trillo at Bea Alonzo, ito ay sa Love Before Sunrise ng GMA/VIU Philippines.
Ano ang naging senaryo sa unang pagkikita nila ni Bea sa set ng taping ng Love Before Sunrise makalipas ang dalawampung taon?
“Siguro hindi mawawala yung ilang talaga,” umpisang sagot ni Dennis. “Pero ako nung first day talaga sobrang nerbiyos pa rin, sobrang kaba ko, nasa-starstruck ako e, every time magka-eksena kami, sa totoo lang!
“Kaya pag nasa taping ako tsine-check ko yung breakdown, gaano karami yung eksena namin ni Bea, ibig sabihin talagang kailangan kong galingan sa eksena na yun, dahil siyempre ano e, Bea Alonzo, Box-Office Queen.
“Nakaka-pressure talagang ka-eksena siya, napakagaling, ilang pelikula din yung napanood ko tsaka mga shows niya, kaya nakakakaba ang experience.
“Pero once nakuha namin yung aming rhythm, yung aming camaraderie sa set, talagang nagiging maganda na yung flow at nagiging kumportable,” pahayag pa ni Dennis.
Kasama nina Dennis at Bea sa Love Before Sunrise sina Andrea Torres at Sid Lucero.
Kasama rin sa serye sina Sef Cadayona, Rodjun Cruz, Vaness del Moral, Vince Maristela, Jose Sarasola, at Cheska Fausto.
Bahagi rin ng programa ang mga respetadong sina Nadia Montenegro, Tetchie Agbayani, Ricky Davao, Jackie Lou Blanco, Isay Alvarez, at Matet de Leon.
Naunang ipalabas ng 48 hours in advance sa Viu Philippines ang Love Before Sunrise nitong September 23, napapanood ito sa GMA Telebabad Lunes hanggang Biyernes 8:50 ng gabi.
Ito ay sa direksyon ni Mark Sicat Dela Cruz at associate director na si Carlo Cannu.
***
DAHIL maraming sumisikat na banda ngayon, ano ang maituturing na edge ng Innervoices sa mga ito?
“Matanda na yung mga ka-banda ko,” pagbibirong sagot ni Angelo Miguel na lead vocalist ng grupo.
“Actually, hindi namin alam e, anong edge namin? Well, siguro active kami, tumutugtog kami ng live, so people can see us at least 4 times a week, so makikita nila kami ng live.”
May regular gig ang Innervoices sa Hard Rock Café Makati, Hard Rock Café Manila, Bar IX, 19 East sa Muntinlupa at sa Fin & Claw sa Timog.
“So that’s one of the privileges na meron kami, others may not have it. Actually yung sa edge, kumbaga sa…I mean, kaya naming sumabay e, kasi for example, like yung mga original music na lumabas ngayon like yung “Uhaw”, it’s lo-fi right?
“Sinabi naman na… sinabi nung iba na parang monotonous, ganyan, so kaya rin naming sumabay. “Isasayaw Kita” is like that, parang lo-fi yun.
“So, we are flexible, you’ve seen three genres on one stone, right, parang nandun na lahat. “Hari” is different, it’s like a tribal song, “Isasayaw Kita” is like a lo-fi, parang mga “Pasilyo”, mga “Sunkissed Lola”, ganyan, puwede siyang lumebel dun.
“So may laban kami dun. Tapos yung pangatlo is “Anghel” is like a love song pero pang-masa, di ba, it’s like parang a Willie Revillame song, mga Vehnee Saturno songs, ganyan.
“And aside from that, sabi ko nga we do live music, kaya din naming mag-cover ng songs, we can have the best of both world, we can do original, we can do cover, so flexible yung banda, iyon yung edge namin.”
Ang iba pang miyembro ng Innervoices ay sina Rene Tecson (guitar), Ruben Tecson (drums), Rey Bergado (keyboard), Alvin Herbon (bass guitar), Joseph Cruz (keyboard, vocals) at Joseph Esparrago (drums, persussion, vocals).
Ang mga award at citation na nakamit na ng Innervoices ay 28th Awit Awards winner for Best Performance by a New Group Recording Artist, 7th PMPC Star Awards for Music nominee for Best Duo/Group Artist of the Year at 1st WISHclusive nominee for Best Performance by a Group and Best WISH Ballad Song.
Ang mga awit nilang “Isasayaw Kita”, “Anghel” at “Hari” ay available for download sa Spotify, Apple Music, Youtube Music, Deezer at iba pang digital platforms via Vehnee Saturno Music Corporation.