Advertisers

Advertisers

Comelec 95% nang handa para sa BSKE 2023

0 4

Advertisers

BUONG pagmamalaki inihayag ni Commission on Elections Chair George Erwin Garcia ang kahandaan ng komisyon sa nalalapit na BSKE 2023.

Mahigit isang buwan bago ang halalan kasi ay nasa 95% na umano ang komisyon sa kabuuan nitong paghahanda.

Pahayag ni Garcia, binabantayan na sa kasalukuyan ang mga posibleng magiging problema, bago at sa mismong araw ng halalan.



Kabilang na dito ang pagbibiyahe sa mga election materials lalo na sa mga liblib na lugar, seguridad sa bawat presinto, at maging ang kampanya ng komisyon laban sa mga kandidatong masasangkot sa premature campaigning at pamimili ng boto.

Noong Martes nang pinangunahan ng COMELEC Chair ang isinagawang Regional Joint Security Control Center Command Conference sa Butuan City para sa buong CARAGA Region.

Kasabay ng pagtungo ng COMELEC Chair sa lugar ay binuksan na rin ang Regional Committee on Kontra-Bigay para sa mahigpit na kampanya laban sa vote-buying sa kabuuan ng CARAGA Region.