Advertisers

Advertisers

3 pulis sa Region 6 buking mga adik

0 8

Advertisers

TATLONG miyembro ng Philippine National­ Police (PNP) ang malamang masibak sa serbisyo nang magpositibo sa paggamit ng iligal na droga.

Kinumpirma ni Brigadier General Sidney Villaflor, director ng Police Regional Office 6 (PRO-6), na nagpositibo sa shabu ang urine sample ng tatlong pulis sa isinagawa ng PRO-6 health service na random drug test kamakailan.

Ayon kay Villaflor, nakatalaga ang tatlong pulis sa Antique Police Provincial Office (APPO), Aklan PPO at Negros Occidental PPO pero tumanggi siyang pangalanan ang mga ito.



May karapatan naman ang naturang mga pulis na kontrahin ang resulta ng drug test sa pamamagitan ng pagpapa-drug test sa ibang testing center na accredited ng Department of Health (DOH) para sa second opinion.

“They can contest the results within 15 days of receiving them through a confirmatory test. Due process is being observed, allowing them to defend themselves,” ani Villaflor.

Samantala, sinabi ni Police Colonel Agustina Ompoy, hepe ng forensic unit ng PRO-6, na sumailalim na sa confirmatory test ang dalawang pulis mula sa APPO at NOCPPO habang wala pa silang natatanggap na impormasyon mula sa Aklan PPO.

Pansamantalang inalis sa kanilang mga puwesto at dinisarmahan ang naturang mga pulis habang sumasailalim sa pre-charge investigation.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">