Advertisers
UMABOT na sa 29 ang mga Pinoy na nasawi sa Hawaii wildfire matapos makumpirma ang pagkakakilanlan ng 10 pang Filipino at Filipino-American na pumanaw sa nasabing trahedya na nagsimula Agosto 4, 2023.
Kabilang sa mga kumpirmadong biktima ang pitong miyembro ng Quijano family mula sa Ilocos na kinilalang sina Joel Villegas, Felimon Quijano, Junmark Geovannie Quijano, Angelic Quijano Baclig, Lydia Coloma at Luz Bernabe.
Sa ulat, nasawi ang mga ito nang makulong sa kanilang sasakyan na naipit sa apoy.
Natukoy naman sa pamamagitan ng kanilang DNA sample ang mga biktimang sina Maria Victoria Recolizado, 51, at Justine Recolizado, 11, mula sa San Juan City, Metro Manila.
Ika-10 biktima na natukoy ng mga awtoridad si Reveling Tomboc, 81anyos; at ina ng isa pang casualty na si Bibiana Tomboc Lutrania na mula sa Pangasinan.