Advertisers

Advertisers

Parking area ng NAIA Terminal 3, niyanig ng pagsabog

0 10

Advertisers

SUMABOG ang isang molotov bomb sa open parking area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3. Walang iniulat na nasaktan sa insidente pero tatlong sasakyan ang napuruhan.

Ayon sa Philippine National Police (PNP) Aviation Security Group, sumabog ang molotov bomb 9:35 ng umaga.

Nagsasagawa na ng clearing operations ang pulisya sa lugar.



Iniimbestigahan narin ng Southern Police District Scene of the Crime Operatives (SOCO) at Pasay Police ang naturang insidente.