Advertisers

Advertisers

4 kotongero sa terminal sa Cavite timbog

0 82

Advertisers

TIMBOG ang apat katao na inirereklamo ng pangongotong sa mga driver ng mga “Baby Bus” na pumipila sa loob ng SM Bacoor City Terminal sa entrapment operation ng mga operatiba ng Bacoor City Police Station Sabado ng gabi, September 23, 2023.

Kinilala ang mga dinakip na sina Florante Padla, Jolie Sobiono, George Anthony Calamba at Katherine Valbuena, mga nasa hustong gulang.

Ayon sa pulisya, dumulog sa kanilang tanggapan ang mga operator at driver na sina Mr. Palma at Yuson upang i-report ang pangongotong ng grupo na humihingi ng isang daan piso kada biyahe sa mga driver bilang “butaw”, na kung hindi magbibigay ay ipahaharang at ipapahuli sila sa traffic enforcers ng Bacoor Traffic and Management Division (BTMD).



Narekober sa posisyon ng mga naaresto ang mga perang nagkakahalaga ng P10,120.00, booklet na listahan ng mga pangalan ng driver at body buses number, 4 cellphones at identification cards (ID’s).

Matatandaan na September 19, 2023 ay inaresto ng Criminal Investigation and Detections Group (CIDG) ang dalawang pulis, Master Sargeant Joselito Bugay at Staff Sargeant Dave Gregor Bautista, at isang sibilyan habang hindi naabotan sa kanyang opisina si Edralin Gawaran, ang hepe ng Bacoor Traffic Management Division, na itinuturong pasimuno ng pangongotong sa mga transport groups at kumukolekta ng halagang P135,000.kada buwan, at nasibak din sa puwesto ang hepe ng Bacoor City PNP na si Lieutenant Colonel Jesson Bombasi dahil sa “one strike policy” na ipinapatupad ng Philippine National Police.

Mahaharap sa kasong ‘Robbery and Extortiong’ ang apat na naaresto na nakakulong ngayon sa Bacoor City Police station. (KOI LAURA)