Advertisers

Advertisers

Vince Tañada walang paki sa lovelife ng mga alaga

0 7

Advertisers

Ni BOY ROMERO

SUCCESSFUL ang Vince Tañada Artist Management media launch. Ito ay sa pamamahala ng Palanca award-winning playwright, lawyer, actor, and award-winning director na si Vince Tañada noong September 14, 2023, sa The PSF Blackbox Theater.
“We are capitalizing more on the talents so if you guys want talented people there we have. We are willing to supply talents to TV networks, to teleserye, to films. Nakita ko kasi na itong mga batang ‘to na napakagagaling nila eh so they have to stand up and manage.”
Naisip daw niya na magtayo ng talent management para mabigyan ng pagkakataon ang mga ito hindi lang sa kanyang mga proyekto kundi ng marami pang oportunidad sa labas.
“Siguro, I try to build up kasi I’m also into directing and producing. I also get the services of a talent coordinator para kumuha ng talent. Pero naisip ko, ba’t pa ako kukuha ng talent coordinator? Sa experience ko, hirap na hirap kasi akong kumuha ng talent kasi alam mo naman, hindi ganoon ka-talented iyong iba. “I have my own talents na ang gagaling, pero di ko kinukuha dahil nasa teatro sila. Sabi ko, why not these talents. I might be quite late but nothing is quite late naman in this business. “Actually, dependable sila in giving and delivering what the director wants. So, that prompted me to create this talent management,” paliwanag niya.
Higit sa pagkakakitaan ang kanyang mga talents, mas nananaig daw sa kanya ang pagnanais na mabigyan ng oportunidad ang mga ito to shine on their own merits.
“Actually, I don’t need this anymore because this is not my bread and butter. Ang dami na nilang nakukuhang trabaho. Ang gusto ko lang, mabigyan sila ng maraming pagkakataon,” lahad niya.
Bilang manager, wala raw naman siyang ipinagbabawal sa kanyang mga talent.
Katunayan, iyong iba raw ay kinukuha na ng iba’t ibang produksyon tulad ng Cignal at maging ng Vivamax para sa serye at pelikula.
Walang sinabi si Direk Vince kung ilang taon ang kontratang pinirmahan ng kanyang mga alaga at madiin pa niyang sinabi na hindi siya kukuha ng porsiyento sa mga proyekto ng mga talent, at wala ring bawal-bawal sa kanya. Hindi siya makikialam sa lovelife ng mga alaga.
Bukod sa kanyang artist management, busy ngayon si Direk Vince at ang kanyang mga alaga sa “Hero Z,” isang musical na handog ng Philstagers.
Mapapanood ito simula Oktubre 1, 2023 hanggang Setyembre sa susunod na taon worldwide.
***
BONGGA ang press presentation ng mga official candidate ng Mrs. Philippines 2023 at Mr. Grand Philippines. Iniharap ang mga official candidate ng Mrs. Philippines at Mr. Grand Philippines 2023 sa entertainment media at bloggers noong Lunes ng gabi sa Whitewoods Convention and Leisure Hotel sa Silang, Cavite,
Naunang ipinakilala ang mga kandidata ng Mrs. Philippines, salang-sala at iba’t iba ang kanilang mga ganda, magaling sa rampahan at matatalino. Nasagot nila nang maayos ang lahat ng mga tanong ng press, confident at ‘di sila nakitaan ng kaba o pressure.
Matindi ang laban pero para sa amin, mahigpit ang labanan ng Mrs. Muntinlupa at Mrs. Manila.
Nagbotohan ang press ng Darling of the Press at napagwagian ito ni Mrs. Muntinlupa.
Gaganapin ang coronation night sa September 23 sa Whitewoods Convention and Leisure Hotel.
Samantala, mas exciting nang ipinakilala ang mga official candidate ng Mr. Grand Philippines, fresh, guwapo, barako at pagandahan sila ng katawan. Tatlong beses silang rumampa, ang gagaling nilang rumampa, sanay na sanay, at galing sila sa ibat ibang bigating universities tulad ng UP Diliman, Dela Salle, at iba pa.
Sa question and answer portion, confident din sila, maayos din nilang nasagot ang iba’t ibang tanong ng press.
Nagbotohan uli ang press ng Darling of the Press at tatlo ang napili. Sila ay sina Mr. Pangasinan, Mr. Muntinlupa at Mr. Tagaytay.
Hakot awards sina Mr. Muntinlupa at Mr. Pangasinan dahil pareho silang pasok uli sa dalawang Sponsor Awards.
May laban din ang Mr. Mindoro, Mr, Mandaluyong at iba pa.
Pero siyempre marami pa rin ang mangyayari, may chances pa rin ‘yung iba dahil magkakaroon pa ng preliminary competition na gagawin sa November 6-10 sa Cebu at Bohol.
Ang grandest finale ay gaganapin sa November 12 sa Manila Hotel.
See you there!