Advertisers

Advertisers

Carla exciting ang mangyayari sa career sa new management; Direk Mark Agcaoili, pet project “Ang Kwento Sa Bahay Ni Lola”

0 147

Advertisers

Ni PETER S. LEDESMA

TIYAK na, lalong magniningning ang career ni Carla Abellana na balitang-balita na lilipat na ng ibang manager at nakatakdang pumirma sa bagong management isa sa mga araw na ito. Yes, yung dalawa kasing actress na talent ng nasabing management ay pareho nang mega sikat at stable ang career. At kung nagawa nila ito sa tinutukoy nating mga actress na parehong kaliwa’t kanan ang endorsement ay sigurado maibebenta rin nila si Carla sa malalaking kumpanya para sa mga product endorsements.
Hindi na mahirap ibenta si Carla lalo’t sikat na ang actress na dating nasa kuwadra ni Popoy Caritativo. And ang advantage pa ng Kapuso actress ay diyosa siya ng kagandahan at sexy. Exciting daw ang nalalapit na contract signing na ito ni Carla.
***
TAONG 2012 nang mag-umpisang magdirek ng short and indie films si Direk Mark Agcaoili na nakilala ang husay sa 2015 “Room for Rent” na psycho-thriller short film na hinangaan ng critics.
Ang pelikula namang “Mensahe (The Unforgettable Message)” ni Direk Mark, na isang educational and drama topbilled by Ysabella Orandain, Sofia Trish Cidro at Jamaica Sabaña ay may mahalagang mensahe sa reyalidad ng buhay at kapupulutan ng aral ng mga makakapanood nito. Naging matagumpay ang Red Carpet Premiere nito. And aside sa Room for Rent at Mensahe ay may bagong pelikula si Direk Mark, “ANG KWENTO SA BAHAY NI LOLA (The Spirit Trap)” na ipinagmamalaki niya at itinuturing na pet project. Batang 90’s si Direk Mark, na tulad ng nakararami ay nahilig sa panonood ng Shake Rattle and Roll at iba pang katatakutang pelikula.
At dito sa big project niyang ito naranasan ni Direk Mark at ng kanyang cast, ang mga kababalaghaan sa kanilang set, tulad ng namamatay bigla ang ilaw at may mga nagpaparamdam na mga masasamang espirito. Isa sa nakaranas nito ay si Julieanne Trixie Roma, na pinakitaan ng animo’y kapre na agad dinala ng kanyang supportive parents sa albularyo at gumaling naman siya agad. Samantala, kung lahat ng pelikulang nagawa ni Direk Mark ay pawang baguhan ang kanyang mga artista (infairness pawang mahuhusay umarte.
Sa Ang Kwento sa Bahay Ni Lola#TheSpiritTrap ay dalawang kilalang celebrity ang parte ng cast na sina Pamela Ortiz at Janina Raval (daughter of Monica Herrera and Jeric Raval) na gumaganap na Black Lady at importante ang role nito sa obra ni Direk Mark.
Narito ang complete cast ng ANG KWENTO SA BAHAY NI LOLA, M. Crislet de Leon as Athena, Samantha Kate Buen as Clara, Julieanne Trixie Roma As George, Gillian Francesca Binayug As Beverly Danaj Kazeah as Monaliza, Erlinda Villalobos as Lola Basyon, Waki Cacho as Lola Lusing, Vic Tiro as Isidro, Jek Jumawan as Mang Simon at Tony Leyba as father Arturo. Introducing dito sina, Adelaine Cuertos, Clarie Palermo, Danetha Cabatingan, Angela Faith Malunes, Reighn Jhersee Bonifacio, John Carl Garcia, Christine Mae Garcia and Angelyn Lamba.
Mula ito sa production at produced ng MSTUDIO FILMS, EXPOSURE PICTURE at ng PURE GARBAGE FILMS. Si Direk Mark din ang sumulat ng kwento, kasama ang cinematographer na si Alle Erojo, at Assistant Director ng Ang Kwento Sa Bahay Ni Lola na si Arlet Cabrera. Nagkaroon ng mini-presscon ang said horror movie na ginanap sa Rotary Center sa Roces Avenue, na present ang buong cast with their supportive parents at syempre si Direk Mark Agcaoli na excited na sa kalalabasan ng proyekto niyang ito na most favorite obra raw niya.