Advertisers

Advertisers

Shabu, tsongki nasamsam sa Manila City Jail

0 19

Advertisers

NASAMSAM ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga shabu at marijuana sa isinagawang greyhound operation sa Manila City Jall Annex sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig City nitong Miyerkules ng umaga.

Sa report, bandang 6:00 ng umaga nang isagawa ang greyhound operation ng mga otoridad sa pangunguna ng PDEA Regional Office – National Capital Region K9 Unit at PDEA RO NCR Seaport Interdiction Unit, katuwang ang mga personnel ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Manila City Jail Annex.

Nasamsam sa operasyon ang 49 sachet ng nasa 10 gramo ng shabu, 5 sachets ng humigit-kulang sa tatlong gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana at mga drug paraphernalia.



Ayon sa PDEA, ang mga ilegal na droga ay nadiskubre nilang nakatago sa loob ng tsinelas ng person deprived of liberty (PDL) na si Elymark dela Cruz, 25 anyos.

Mayroon rin umano silang nakitang walong sachet ng shabu na nasa isang gramo ang timbang sa isang basurahan.

Sasampahan muli ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa piskalya ang nasabing suspek.(Almar Danguilan)