Advertisers
HINIMOK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) na iwasan ang katiwalian at pang-aabuso upang makuha nila ang tiwala ng mga tao.
Ginawa ng Pangulo ang naturang pahayag sa kaniyang maikling talumpati kasabay ng oath-taking ng newly promoted star rank officers ng Philippine National Police.
Dito, binigyang diin ng Pangulo ang zero-tolerance policy ng kaniyang administrasyon sa korupsiyon at pag-abuso sa karapatang pantao sa hanay ng pambansang pulisya.
Hinikayat din ng Pangulo ang mga bagong opisyal na panatilihin ang kanilang integridad sa lahat ng oras at manatiling matatag sa kanilang pangako sa serbisyo publiko kahit na sa gitna ng maraming hamon na kinakaharap ng institusyon ng pulisya.
Tiniyak din ni Marcos na bilang Pangulo, ang administrasyon ay mananatiling sumusuporta sa mga plano at programa ng PNP, lalo na ang mga nagpapatibay sa mga kakayahan nito.
Ang 57 bagong na-promote na opisyal ng PNP ay binubuo ng apat na Police Lieutenant Generals, 10 Police Major Generals, at 43 Police Brigadier Generals. (Vanz Fernandez)