Advertisers
SINAMPAHAN na ng reklamo ng National Bureau of Investigation (NBI) ang umano’y mga may kinalaman sa pagtago at pagmahal ng sibuyas.
Inanunsyo ito ng Department of Justice, ang mother department ng NBI, nitong Lunes, Setyembre 19, 2023. Marami pa raw silang isasampang reklamo ‘pag nakumpleto na nila ang mga ebidensiya/dokumento.
“This is just one of the cases being developed by the DoJ, but there will be other cases filed up to the point of economic sabotage after we finish the case build-up and data evaluation,” pagbida ni Justice Secretaery “Boying” Remulla sa press conference.
Umpisa palang daw ito ng kanilang paghabol sa mga tusong negosyante kasabwat ang ilang opisyal ng gobyerno na walang pakundangan sa pagsabotahe sa ekonomiya ng bansa.
“This is just the start. We will continue until it becomes clear to everyone that price manipulation in our market is unlawful.”
Kinumpirma rin ni Sec. Boying na may mga opisyal ng pamahalaan na sangkot sa onion smuggling at price manipulation. Kaso ayaw niyang pangalanan ang mga animal. Pati yung anim na negosyanteng kinasuhan ay hindi rin niya tinukoy. Pero, ayon sa ating source, yung nga kinasuhan ay yung mga paulit-ulit na inimbestigahan sa Kongreso nung nagkagulo sa napakataas na presyo ng sibuyas.
Pero mas maige na magmula mismo sa bibig ni Sec. Boying kung sino-sino itong mga sinampahan ng reklamo, baka sakaling may concerned citizens na makapagbigay pa ng mga dagdag na impormasyon. Mismo!
Ang aksyon ni Sec. Boying ay sagot sa hamon ng Senado partikular ni Senador “Chiz” Escudero, na kasuhan na ang mga smuggler ng agricultural products. Kasi nga puros nalang raid pero walang nakakasuhan, walang nakukulong kaya hindi matigil-tigil ang smuggling at hoarding ng mga produktong agrikultura.
Kapag nagkataon, dito palang sa administrasyon ni Pangulong “Bongbong” Marcos, Jr. makukulong ang mga smuggler, hoarder at mga kasabwat na opisyal ng gobyerno.
Subaybayan!
***
Panay ang porma ngayon ni House Speaker Martin Romualdez. Alam na!