Advertisers

Advertisers

Mayor Strike Revilla: Ilegal at kotong, walang puwang sa Bacoor

0 15

Advertisers

Nagpahayag ng matigas na babala si Bacoor City Mayor Strike Revilla kahit ito ay kasalukuyang dumadalo 78th UN General Assembly sa ibang bansa, sa mga nais maghasik ng kasamaan sa Bacoor, Cavite kasunod ng pagkaka-huli ng ilang “kotong” cops na nahuli ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kahapon na ikinahuli ng dalawang pulis at isang sibilyan.

“Mula pa noong unang upo ko bilang Mayor naging mambabatas at ngayon ay bilang Alkalde ulit ay hinding hindi ko po hihintulutan ang kasamaan, ilegal at masamang gawa ay magkaroon ng puwang sa Bacoor,” matigas na pahayag ni Revilla.

“Hindi ko din pahihintulutan na masira ang integredad ng Bacoor sa mga walang kwentang indibidual na nais yurakan ang imahe ng Bacoor. Inuulit ko, binabalaan ko ang mga mga nais maghasik o gumawa ng ilegal sa Bacoor. Hindi ko kayo tatananan,” dagdag ng alkalde na patuloy minamahal ng Bacoorenos.



Nagbigay ng pahayag ang alkalde matapos masangkot ang dalawang pulis at sibilyan na nasakote ng CIDG na ‘di umanoy nangongotong at may basbas sa ilalim ng Traffic Bureau ng Bacoor dahil sa di umano’y pangongotong nito sa mga transportation groups gaya ng TODA.

“Salamat sa ating mga malilinis na kapulisan na katuwang sa paglinis ng mga maling gawain. Sa aking mga mahal na mamamayan ng Bacoor. Bukas po ang aking tanggapan kung kayo man ay may natatagong alam na masamang gawain sa ating Lungsod. Umasa po kayo na sama-sama nating susugpuin ang mga ito,” pagtatapos ni Revilla.

Kinagalak ng mamamayan ng Bacoor ang muling pagbabalik ni Mayor Strike Revilla dahil naniniwala ang mga ito na mas muling uusbong at uunlad ang Lungsod ng Bacoor.