Advertisers
ANG Cebu Pacific (PSE: CEB), ang nangungunang airline ng Pilipinas ay muling pinagtitibay ang pangako nito sa pangangalaga sa kapaligiran sa pamamagitan ng pagsali sa 37th International Coastal Cleanup (ICC) noong Setyembre 16, 2023.
Ang ICC na inorganisa ng nonprofit organization na Ocean Conservancy ay ang pinakamalaking ‘volunteer’ na nagsisikap sa mundo para sa kalusugan ng karagatan.
Ngayong taon, sinabi ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na 35,000 Pilipino ang nagsama-sama upang linisin ang mga coastal areas sa buong bansa.
Malaki ang naiambag ng CEB sa pagsisikap na ito sa pamamagitan ng pagpapakilos ng isang pangkat na nakipagtulungan sa mga ahensya ng gobyerno, pribadong sektor, akademya, at mga civil society groups upang mangolekta at magdokumento ng basura sa Manila Baywalk Dolomite Beach.
“At Cebu Pacific, we go the extra mile— not just in the services we provide, but also in the initiatives we support. Our participation in the International Coastal Cleanup shows our enduring commitment to foster a culture of volunteerism among our employees and support larger efforts towards a cleaner and healthier environment,” ayon kay Felix Lopez, Cebu Pacific’s Chief Human Resources Officer.
Ang paglahok ng CEB sa ICC ngayong taon ay umaayon sa mas malawak nitong corporate social responsibility (CSR) pillars, na nagbibigay-diin sa pangangalaga sa kapaligiran. Sa pamamagitan ng aktibong papel sa mga kaganapan tulad ng ICC, pinaninindigan ng CEB ang pangako nitong isulong ang napapanatiling turismo at suportahan ang mga pagsisikap sa pagbuo ng bansa para sa bawat Juan. (JOJO SADIWA)